Ginawa nga ni jane ang hininging pabor ni Collin. Kapag siya ay may oras, tinitignan niya kung anong ginagawa ni Istan. Paulit- ulit niya itong ginagawa ngunit parehas lamang ang naoobserbahan niya sa araw-araw. Laging may dalang maliit na maleta. Nababalot ng hiwaga ang kaniyang isip. Pumunta siya ng pasikreto sa bahay ni Marc. Ang plano niyang pagbalik ng tiwala ni Marc ay plano niyang totohanin.
Jane: Marc?..
May mga narinig siyang mga yapak ng paa. Sa walang kadahilanan, hindi alam ni jane kung bakit nangingilabot ang kaniyang mga balahibo. Na para bang may naka tingin sa kaniya.
Jane: Marc! Papasukin mo naman ako oh.
May nangalbit sa kaniya, at pagkalingon, isang taong may itim na maskara ang nakita niya.
(*Girl's yell )
(*stabbing sound effects)(*phone ring)
Collin: Ano ba naman itoh is ate. Ang tagal naman sumagot nito.
(*phone ring)
Collin: Hay nako! Ba't ayaw nitong sumagot? Akala ko ba uuwi siya sa araw na ito? Alasyete na ng gabi ah? Hay ate..
(*phone ring)
Collin: Haluh? Ba't tumatawag itong si cielos?
(*answers the phone sound effects)
Collin: Hello?
Cielos: Collin yung ate mo! Nasa hospital!
Collin: Huh?! Paano nangyari yon? Eh ang alam ko pauwi na sya?
Cielos: Basta collin pumunta ka nalang dito! Binabawian ng buhay ang ate mo!
Pumunta siya agad sa hospital. Naabutan niya ang ate niyang nakahilatang walang malay..
Collin: Ano ba ang nangyari sayo.. Sana'y magka malay ka na ate..
Narrator: Habang pinagmamasdan niya ang kaniyang kapatid, napansin niyang may bakas ng dugo mula sa saksak malapit sa balikat ni Jane.
(*door open sound effects)
Istan: Uh.. Collin..
Collin: Istan? Teka. Anong ginagawa mo dito?
Istan: Nabalitaan ko yung nangyari sa ate mo.
Collin: Ang tagal mong nawala.. Ni hindi mo kami kinakamusta ni cielos
Istan: Kaya kong mag paliwanag collin.
Collin: Pare naman. Ano ba ang nangyari sayo? Kailangan ko pa bang malaman kay cielos?
Istan: Ah kasi...
Collin: Ano?
Istan: Uh.. Kumikita na ako ng napaka raming pera.
Collin: ano? Nawala ka ng mahigit dalawang linggo at tatlong araw tapos ayan pala ang inaatupag mo? Ba't di ka manlang nagsabi sa amin kaagad?
Istan: pare.. Di ko ata kayang sabihin yan sayo.
Collin: Kaibigan naman.. Di naman kayo siguro mas masahol pa sa daga eh noh?
Istan: Hindi ah! Madami pang nakatagong pera mula sa yaman ng aking ina.
Collin: Ano? Eh bakit kailangan mo pang kumita?
Istan: Iyan ang hindi ko masasagot collin... Malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon
Collin: Hindi ba pwedeng ngayon na ang tamang panahon?
Istan: Masyado pang maaga. Ako na ang nagsasabi sayo. Magiingat ka palagi. Kung ano man ang nangyari sa ate mo, maswerte sya't nakaligtas sya.
Collin: Hindi kita sisisihin sa pangyayaring ito sapagka't alam kong wala kang kasalanan...
Istan: Salamat collin. Tunay ka ngang kaibigan. Ngunit magiingat ka palagi. Wag kang magtitiwala sa kung sino sino lamang.
Collin: Nanggaling pa sayo.
Istan: Sasabihin ko sayo balang araw kung bakit ako nawala. Paalam na tunay kong kaibigan.
Collin: Paalam.. Istan..
BINABASA MO ANG
Hibo
HorrorLahat ng bagay na meron ang iba at wala sa atin ay nanaisin talaga nating makuha. Ang hili ay parang isang apoy sa ating puso. Kung ito ay pababayaan na manatili sa ating loob, ito ay lalago ng lalago hangga't sa ito na ang dahilan ng ating pagkatao...