Reality.
Busy ako sa pagluluto ng mag isa sa kitchen nang maramdaman kong hindi na ko nag iisa. I look behind and I saw Drew standing near the kitchen counter.
"Yes? What can I do for you?", nakangiti kong tanong sa kanya.
"Aly, di ko nagets masyado yun sinabi mo nung nag usap tayo. Pwede ba or hindi?", seryosong tanong nya sakin.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso and without any hesitations binitawan ko ang mga salitang hindi ko naman talaga nararamdaman.
"Wala kang aasahan sakin Drew. I'm sorry."
Alam kong nasaktan siya sa sagot ko. I saw it. I saw it in his eyes. Tinitigan niya lang ako.
"Okay lang." , sagot niya at pumasok na sa kwarto niya.
Naiwan akong naiiyak.
Ang tanga mo naman Aly! Bakit mo sinabi yun. Bakit ba kasi natatakot kang magtry? Ayan na oh. Ayan na yung lalaking hinihiling mo kay God. Yun lalaking mamahalin ka sa kabila ng lahat ng imperfections mo. Ayan na Aly, pinalampas mo pa.
Parang may sariling utak na bulong ng puso ko.
I didn't mean it. I didn't but I have to. Ayoko siyang i-take for granted. Good catch naman si Drew kaso ewan ko ba parang may kung anong pumipigil sakin. Napabuntong-hininga na lang ako knowing na wala nang mangyayari.
BINABASA MO ANG
One Last I Love You
Short Story"When you realize things but it's too late. And you don't want to live on a life with a lots of what ifs. Try to say it! Even if it won't make any difference." -Reality