Chapter Five: Kidnapped

40 0 0
                                    

'"Cass' POV"'

"Nakakainis ka... Bakit di mo binilhan 'yung kapatid mo? 'Yan tuloy.." sermon ko.

"Kaya naman niya eh," sagot niya. "Hindi na siya bata."

"Eh, ano naman?! So, ako hindi ko kaya? Ganun? Binilhan mo ako tapos siya hindi. Susundan ko lang." mas naging seryoso na 'yung tono ko. Tumayo ako pero pinigilan niya ako.

"Wait! Sorry na." sabi niya.

"Bakit ka sa akin nagsosorry? Kay Louise ka dapat magsorry." sabi ko.

Lalakad na ulit sana ako paalis kaso hinila niya ulit yung kamay ko. Pero this time malakas na.

"Aray! Ano ba?!" sigaw ko.

"Sorry sorry." sabi niya tapos binitawan niya yung kamay ko. "Ako na lang susunod. Diyan ka na lang." sabi niya tapos tumakbo na palabas.

"Sandali sasaama ako." sabi ko sa kanya. "Kayo. Sasama ba kayo?" tanong ko kela Nikky at Kalvin.

"Hindi na. Kayo na lang. Dito na lang kami." sabi naman ni Nikky.

"O sige sige. Susundan ko na yung bugok na yun." sabi ko at sumunod na kay El

Iniwan na lang namin sila Nikky at Kalvin doon. Ayaw naman nilang sumama eh.

"El! Nakita mo na siya? Ikaw kasi eh!" sabi ko sabay palo kay Mikael.

"Ako na naman?"

"Wala ka kasing kwentang kapatid. At saka kasalanan mo naman talaga eh."

"Oo na po." tumingin-tingin siya sa paligid. "Ayun siya oh!"

Lumingon ako at tinawag siya, "Louise!" Lumapit kami ni Mikael pero bago pa kami makalapit ng tuluyan, may humila sa kanya papasok sa isang kotse.

"Hoy!" tumakbo bo si Mikael at pinalo-palo 'yung sasakyan. Pero masyadong mabilis ang takbo nung sasakyan.

Parang nanghina 'yung tuhod ko at napaupo. Farsighted ako kaya nung medyo nakalayo sila nakita ko na huminto 'yung kotse. Nakita ko na nilalapit nung lalaki 'yung mukha niya kay Louise.

"Yung kotse, huminto sa may intersection," nanghihinang sabi ko kay Mikael.

"Ha? Ano'ng sabi mo?" lumingon siya sa akin. "Ano'ng nangyari sa 'yo."

"Tumakbo ka na papunta sa kanya. Nakahinto na 'yung sasakyan,"  tumayo siya at tumakbo papunta sa sasakyan.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

A/N: Thanks for waiting!!! ^__^

~Mystique13

A Game Called Love [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon