Chapter Three: Tambayan

58 1 0
                                    

'" Louise's Point Of View "'

*KRIIING*

"Sa wakas! Lunch time na!" sabi ni YJ sabay unat.

"Tss. Bat ba excited kayo lagi pag lunch na? Di nyo man lang maejoy yung klase. Tsk tsk tsk." sabi ko sa kanya habang inaayos na yung gamit ko.

Nasa classroom na kami. May teacher na kasi kami dun sa next subject namin. One weird thing pa is. Pareho kami ng class schedule ni YJ. For the whole year. Kaya araw araw ko siyang makikita. Except na lana kung absent siya or ako.

"Kapal." pabulong niyang sabi "Parang hindi siya natutulog during class."

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Sabi ko, ANG SIPAG MO NAMAN." sarcastic na sabi niya.

"Ah. Kala ko kung ano na eh.nag patay malisya na lang ako. Ayaw ko nang makausap to. Tsk. "Diyan ka na nga!" sabi ko sabay talikod at lumabas ng classroom.

"Louise!"

"O kuya!" kuya ko pala yung tumawag sa akin.

Actually, kakambal ko siya. Kuya lang talaga yung tawag ko sa kanya. Mas nauna kasi siyang lumabas bago sa akin eh. You know what I mean. Saka respect na rin kasi mas matanda siya sa'kin ng 2 minutes. Ang cool nga nung nangyari sa amin eh. 11:58 pm  pinanganak si kuya tapos 12:00 ng madaling araw ako pinanganak kinabukasan. Kaya magka iba kami ng b-day.

 "Oh kuya. Ika--"

Natigilan ako nang may bigla akong mapansin na naka attract sa mga mata ko. Ngumiti ako nang nakakaloko nung moment na mapansin ko yun.

 Mukhang napansin din nila yung tinitignan ko kaya agad din silang tumingin doon sa direksyon na yun.

Bigla nilang binawi ang kanilang kamay mula sa mahigpit nilang pagkaka hawak.

"Mag e explain ako!" biglang sigaw ni kuya.

"Pft." onti na lang.

"Louise! Pakinggan mo muna kami! Please!" pag mamakaawa ni Cass.

"Wag kang tatawa!" pigil sa akin ni kuya.

"Ahahahahahahahahahahahahaha!" di ko na talaga kaya pang pigilan ang tawa ko. "Ahahaha!"

Nakakauiwa talaga sila! Mag papaliwanag pa sila sa'kin kung bakit sila magka holding hands. Haay. Ang cute talaga nila. Kung bakit kasi nag kakahiyaan pa itong dalawang lovers na ito eh. Di na lang kasi magka aminan. Tsk! Pareho naman silang may gusto sa isa't isa eh. Tsk!

"Louise! Manahimik ka na nga! Mag papaliwanag nga sabi ako eh!" sigaw ni kuya.

"Ahahahah-wait lang-ahahahaha! Matatapos-ahahaha! Na-ahahahah!" di ko talaga mapigilan yung tawa ko.

"Done?" annoyed na tanong ni kuya.

"Wait! Ahahah! One-ahahahaha! More-ahahahah! Laugh-ahahahahahahahahahahahahahahaha! Done" tumigil agad ako. Naubos na ata ang tawa ko.

"Ganito kasi yu-"

"Ahahahahahahahahaha!" di ko talaga mapigilan eh. Nakakatawa kasi silang dalawa eh.

A Game Called Love [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon