'"Louise's Point Of View"'
"T-teka! Anong kikidnapin??" reklamo ko sa kanya.
Papalag sana ako kaso mas malakas siya saka naipasok na niya ako sa kotse sabay nilock niya yung pinto para hindi ako makalabas.
Umikot siya para makapunta sa driver's seat.
Nung nakapasok na siya, pinindot niya yung safety lock para hindi ako makalabas.
Nagulat ako nang lumapit siya. Akala ko hahalikan niya ako kaya napapikit ako. Kaso matagal na akong nakapikit wala pa rin so dumilat na ako at nakita ko siyang nakatingin sakin nang nakakaloko.
Bigla akong humarap sa daan.
"Saan mo ba ako dadalhin?!" galit na tanong ko.
"Just shut up." sabi niya tapos inistart na niya yung engine nung kotse tapos umandar na kami.
"Just shut up? Ako mag shushut up?! Ikaw kaya tong kidnapin tingin mo mananahimik ka pa?!" nagagalit kong tanong sa kanya.
Tumigil kami sa may intersection at nagulat ko nang bigla niyang inilapit yung mukha niya sa'kin tapos nilock niya ako dun sa window gamit yung braso niya.
Unti unti niya inilalapit yung mukha niya sakin hanggang sa onti na lang yung gap nang lapit ng mukha namin. Naamoy ko yung hininga niya na mint flavor. ^~^ Ambango.
Napapikit na lang ako. Hinihintay ko na mag lapat yung mga labi namin. Pero hindi. Nung dumilat ako nakita ko siyang naka smirk.
"Ano bang problema mo?"
Inilapit ulit niya yung mukha niya kaso lumiko at itinapat niya yung labi niya sa tenga ko.
"Shut up or I'll kiss you." he said with a husky voice.
O____O
Nagulat ako nung sinabi niya yun kaya nanahimik na lang ako. Baka mahalikan pa ako ng wala sa oras nito.
Umayos na siya ng upo niya at nag maneho.
After few minutes, nakarating na rin kami.
Ang weird nga eii. Kasi sa park niya ako dinala.
Ano namang gagawin namin dito at dito niya ako dinala?
O_o
"Ahm. Anong---" bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay hinila na niya yung kamay.
San naman kaya ako dadalhin ng mokong na 'toh?
"Teka nga." sabi ko at hinugot ko yung kamay ko kaya napatigil kami sa pag lalakad.
Humarap siya sakin.
"San mo ba ako dadalhin? Ha? At ano namang gagawin natin dito sa park?" tanong ko sa kanya.
Nag lalakad siya sa harap ko at naka sunod lang ako sa kanya.
"Yun!" bigla siyang tumuro sa harap niya.
Tinignan ko kung ano yung tinuturo niya. May nakita akong mga foodstands dun. May mga pag kain dun siyempre, foodstand nga eii diba?
"O anong meron dun?" anong ko sa kanya.
"Pagkain. Alangan namang bomba." -_-"
Sabi ko nga.
"Tss. Alam ko. I mean, anung gagawin natin doon?" tanong ko sa kanya.
"Natural kakain." sabi niya habang nakaturo pa rin dun sa mga foodstands.
Nakakpikon na 'toh ah! Sasapakin ko 'toh!
"Alangan namang matulog? Anu ba kasing kelangan mo?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Di'ba nag mamakaawa ka sa'kin na 'wag kong sasabihin yung relasyon ni Sir at ni Nikky?" sabi niya.
"O tapos?" tanong ko.
"Gagawin ko yun in one condition." sabi niya sakin.
"Anu naman yung condition na yun?" naiirita kong tanong sa kanya.
"Tuwing uwian ililibre mo ko sa mga foodstand na yan for 100 days." sabi niya sakin.
"What?! Ayos ka ha! Tingin mo sakin? Mayaman?" pasigaw kong tanong sa kanya.
Ayos siya ha? Pineperahan pa ako. Tingin niya sa'kin? Mayaman? Kung sa bagay. Mayaman naman KAMI pero di ako.
"Okay sige. Sabi mo eii." sabi niya tapos tumalikod na siya at nag lakad pabalik sa kotse niya.
Tumigil siya sa pag lakad niya tapos humarap sa kaliwa niya pero kitang kita ko yung pupils nung mata niya na nakatingin sakin.
"Magandang balita din yung nalaman ko ngayong araw. Sasabihin ko na lang dun sa nag-o-organize ng School Newspaper bukas." sabi niya tapos nag lakad na ulit.
School Newspaper? Anung news?
O.O
Hala! Baka yung tungkol kila Nikky yung news na sinasabi niya! Patay ako.
Tumakbo ako papunta sa kanya kasi medyo nakalayo layo na din siya. Sa haba ba naman ng paa ng bungol na 'yun.
"YJ!" tawag ko sa kaniya habang tumatakbo.
Pero di siya lumilingon.
Yayks! Lagot!
***********************************************************
A/N: Waaaaaaaah! Thank you po ulit sa pag hihintay niyo. T.T Naapreciate q po yun. Sorry kung maikli lang tapos hindi na ulit ako nag uupdate. Gagraduate na po kasi ako ng high school tapos dami pang ginagawa saka nauubusan po ako ng ideas. Dami kasing laman ng isip ko eh. Pero mag uupdate pa rin po ako some other time. Kelangan ko lang po talaga ng SOBRANG daming space. Well anyway. Hope you enjoyed. :)
~Mystique13
BINABASA MO ANG
A Game Called Love [EDITED]
RomanceWhat if someone asked you to play A Game Called Love with that person? Where you will be in a relationship with him for a month? Would you say yes? But what if that dare game become true and you two fell inlove with each other? Find out the story o...