Chapter One: Poste

125 1 0
                                    

'" Louise' Point Of View "'

[Wednesday 9:30 a.m.] 

[Hallway]

"Hoy babae!" pasigaw na tawag ni Cass kay Nikky.

"Yes?" sagot naman ni Nikky na parang wala lang.

"Nagawa mo na ba yung assignment sa math?" tanong ni Cass.

"Ay! Hindi ko pa nagagawa yun! Ano ba yan! Nakalimutan ko pa." nanghihinang sabi ni Nikky.

"Haay Nicole. Tsk3x! 3rd year ka na ganyan ka pa katamad. Ano bang pinag kakaabalahan mo at nakakalimutan mo na ang mga assignments mo ha?" mala nanay na tanong ni Cass.

Lumayo layo ako ng onti dahil bigla kong naalala na hindi pala ako nakagawa ng buod at aralin sa Filipino. Unti-unti akong lumayo sa kanila habang nanenermon si Cass. Hanggang sa mapansin niya na wala na ako sa tabi nila at nakalayo na.

"Hoy Louise!" biglang tawag sa'kin ni Cass.

"Bakit?" sabi ko habang unti-unting humaharap sa kanya.

"Ano namang hindi mo nagawang assignment ha?" tanong niya.

Grabe! Parang nanay na namin tong si Cass. Napaka bossy. Pero masipag naman. Lagi siyang gumagawa ng gawaing bahay kahit na may katulong na kami sa bahay. Pero di ko naman siya masisisi. Nag cacare lang naman siya sa amin at masyado na ring matanda yung Yaya namin. Wala lang kaming balak palitan o palayasin siya dahil napamahal na rin kami sa kanya.

"Anong pinag sasasabi mo" patay malisya kong sabi. "Nagawa ko kaya yung lahat ng assignments natin."

"Are you sure?" ~_^

"O-oo n-naman n-noh." lagok. Lagok. Lagok.

"Eh bakit nauutal ka?"

"Ah eh." lagok

*Whoosh!*

"Hoy Meekaylah! Bumalik ka dito!" sabi ni Cass habang hinahabol ako.

"Hindi! Bahala ka diyan! Hin-BLAAG!"

"Aww." ang tanging nasabi ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa ulo ko. "Paano nagkaroon ng poste sa gitna ng hallwy?"

*Kapa kapa kapa*

"OMG! Ang bulky naman ng posteng ito. Parang lalaking may abs lang ah" sabi ko habang kinakapa ang posteng ito.

Narinig kong nag gasp ang mga tao sa paligid ko. Naririnig ko pa ang bulongan nila.

Pababa na yung kamay ko nang..

"Louise!" sigaw ni Cass.

Napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

May biglang humawak ng kamay ko. "You're going below my belt"

"Huh?" humarap ako sa poste sa harap ko at tumambad sa akin ang dibdib na nakatakip ng polo ng isang lalaki.

Bigla akong napalayo sa dibdib na ito at napaatingin ako sa taas. Nakita ko ang mukha ng isang anghel. Ang amo ng mukha nya kahit na lalaki siya. Siguro dahil nakangiti siya kaya ganun.

"Sorry" pag hingi ko ng tawad sa kanya dahil muntikan ko nang mahawakan ang kanya. "Sorry talaga! Di ko sinasadya"

"Ahahaha!" bigla siyang tumawa ng malakas at yun ang dahilan para mas lalo pa kami pag tinginan ng mga tao.

A Game Called Love [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon