“Ligawan mo ulit. Suyuin mo. Win her trust back.” These words kept on ringing in his head. At hindi niya yan kakalimutan. Because that is exactly what he’ll do.
He was whistling habang naglalakad papunta sa tent nila sa location. He’s in a good mood dahil sa nangyari last shoot. He was carrying a paperbag filled with Julie’s favorite food and a single tulip. Her favorite flower.
“Good morning ate!” he greeted the staffs. “Good morning kuya!” bati niya pa.
“Good morning!” pumasok na siya sa tent, smile and all.
“Kain na tayo, Jules.” He heard a guy said and his smile turned upside down. He saw Enrique serving food for Julie. At nakita niyang masaya namang kinuha iyon ng dalaga.
“Good morning everybodyyyyyyy!!” biglang pasok ni Maqui at napahinto nang makita si Elmo.
“Uhm…” he said and gave her the paper bag. “Breakfast, Maq?”
“Huh?” pagtataka ni Maqui habang inaabot sa kanya ni Elmo yung mga pagkain. Lumabas na ang binata at saka nagpunta sa sasakyan niya.
“Oh. Bakit andyan ka?” tanong ni Marian nang makababa ito sa kotse. “Di ka pupunta sa tent?”
“Uhm… Mamaya na po.” He said. Tumango na lang si Marian at saka na nagpunta sa tent. He put his earphones on and turned the volume up on his phone at saka na sumandal sa passenger’s seat and tried his best to sleep. Biglang nawala siya sa mood dahil sa nadatnan niya. Ang aga-aga naman kasing bumisita ng karibal niya. And what hurts the most is alam niyang may chance ito sa dalaga. “No, Elmo. She told you na mahal ka pa niya. So don’t lose hope.” He said to himself. “Mahal ka pa ni Julie.”
*****
“Uy! Daming dala, Maq ah.” Julie said nang makalapit si Maqui sa kanila ni Enrique.
“Ha? A-ano kay Elmo galing to eh.” Maqui said at saka nilagay sa table yung paperbag. She looked inside and saw that it was filled with Julie’s favorite food. And on top of one of the containers was a note.
Good morning, Julie! Hope your day is as bright as mine. Enjoy your breakfast! –E
“Ano, Maq? Never ending na ba yung loob ng paperbag?” Julie asked.
“H-ha? H-hindi. Ano. Uhm… Jules teka lang may nalimutan ako sa car. Kain lang kayo ha.” Lumabas na si Maqui sa tent and looked for Elmo. She saw him inside his car kaya naisipan niyang lapitan ito.
“Moe…” sabi niya habang kinakatok ang bintana ng sasakyan ni Elmo. Hindi naman gumalaw ang binata at dun niya lang napansin na nakapasak pala ang earphones nito. Sakto naman ay dumating si Kuya Rolly.
“Uy. Ma’am Maqui. Tulog ba si bossing?” tanong nito.
“Mukha po eh. Kuya paopen naman ng kotse. Nakalock eh.”
“Ay sige po.” At binuksan na nga ito ng driver.
“Elmo.” Sabi ni Maqui at sabay kinalabit pa ang kaibigan.
“Huh?” pagtataka ni Elmo habang nag-aalis ng earphones. “Uy, Maq. Bakit?”
“Moe, what’s with that?” she asked na kinataka naman ni Elmo.
“What’s with what, Maq?”
“That! The food, the note…” sabi nito at tsaka lang napansin ang bulaklak na nasa dashboard ng kotse. “At saka yan. Ano yan? Lahat yan!”
“Why? What’s wrong?”
“Bakit mo ginagawa yang mga yan? Why are you being sweet to Julie again?”