Chapter: 82 "Palawan"

431 19 4
                                    

Sandra's POV

Ilang minuto na ang nakalipas pero nananatili pa ring tahimik si Red.

Tinitigan ko siya sa mga mata niya pero wala na naman akong mabasang emosyon. Napapadalas na ang pagiging poker face niya.

Bigla tuloy akong binalot ng hiya dahil doon sa mga sinabi ko.

Pero wala naman akong pinagsisisihan doon. I meant all I've said.

Sa sobrang dami na ng pinagdaanan naming dalawa, oras na para i-level up ang relasyong meron kami.

Hindi na kami mga bata. Wala naman sigurong masama kung gawin namin ang mga bagay, na madalas gawin ng dalawang matured na taong nagmamahalan.

"Isuot mo na ulit iyang seat belt mo. Malapit na tayong mag-landing," walang emosyong utos niya bago naglakad pabalik sa upuan niya.

Sinundan ko siya ng tingin, hinihintay ko na tignan niya ulit ko at magbigay ng reaksyon sa mga sinabi ko.

Pero gaya kanina, nagmukha lang akong tanga sa kahihintay kung magsasalita pa ba siya.

Grabe lang ha, nakakasakit siya ng ego!

Ako na nga 'yung kusang loob nag-offer ng sarili ko, pero siya pa itong parang walang pakialam?!

The heck with him!

Ano ba kasi talaga ang problema niya?

'Di ba, dapat nga nagsasaya siya?

Hello, linunok ko na ang pagiging dalagang Pilipina ko para sa kanya!

Nakakainis siya!

Mula sa intercom, inutusan kami ni Steve na maghanda na sa pag-landing namin.

Makalipas ang ilan pang minuto, matiwasay na rin kaming nakababa sa airport.

"Sobra kong na-miss ang hangin dito sa Pilipinas," medyo emosyonal na sabi ko habang nilalasap ko ang hangin.

Iba pa rin talaga ang simoy ng hangin dito.

"Hindi ito ang oras para lasapin mo ang ihip ng hangin. We badly need to get out of here as soon as posible," seryosong sabi ni Red bago niya ako hinatak pasakay sa kotseng nag-aabang sa amin.

"Nasaan tayo?" kunot noong tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi pamilyar sa akin ang mga nadaraanan namin, tapos ang dami pang puno.

Ang buong akala ko kanina, sa Maynila kami nag-landing. Pero base sa nakikita ko, nasa probinsya kami.

"Palawan," wala pa ring emosyong sagot niya habang nakatingin rin sa labas ng bintana.

"What the---"

"Don't dare to cuss," nagbabantang pigil niya sa sana'y sasabihin ko.

"At bakit? May magagawa ka ba kung gusto kong magmura?" nanghahamon na tanong ko habang titinitignan ko siya ng masama.

Hanggang nagyon naiinis pa rin ako sa ginawa niya.

"You'll surely won't like to see me angry," may tigas ang bawat salitang banta niya, pero nananatili pa rin siyang nakatingin sa labas ng bintana.

"Sandra, please calm down. Hayaan mo na muna si Red, pagod lang iyan sa biyahe," singit ni Steve sa usapan na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa tabi ng driver.

"Ano ang ginagawa natin dito sa Palawan? Akala ko ba sa Manila ang diresto natin?" sunod-sunod na tanong ko kay Steve.

"Change of plan."

Christ Illumination: The Born of Nephalem (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon