Nananginginig na ang buong katawan ko at sumisikip na rin ang dibdib ko dahil sa mga nakita at narinig ko.
"Mommy, Daddy..." halos paos na bulong ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa aking mukha at patuloy sa paghagulhol.
May biglang yumakap sa akin kaya unti-unti kong inalis ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha.
Sa isang iglap, biglang bumalik sa dating ang lahat. Naandito na ulit ang bahay, ang kotse at si Red.
Gumanti ako sa kanya ng mahigpit na yakap habang patuloy ako sa pag-iyak.
"Shhh... Tahan na. Kung ano man iyang dahilan ng pag-iyak mo, tandaan mo na andito lang ako parati. Proprotektahan kita at sasamahan sa lahat ng takot mo," malambing at puno ng senseridad na sabi niya habang bahagyang tinatapik ang likod ko.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya at mas lalo ring lumakas ang pag-iyak ko.
Kung may magandang naitulong man ang pagiging Illuminati ko, iyon ay ang pagdating ni Red sa buhay ko. Hindi ko alam ang gagawin kung wala siya.
Siya lang ang bukod tanging nilalang na laging naandyan para sa akin. Hindi niya ako sinukan kahit na muntik ko na siyang talikuran noon.
Mahal na mahal ko siya kaya bilang ganti, gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa kanya. Hindi ko hahayaang isakripisyo niya ang buhay niya para sa akin. Lalaban ako katulad ng paglalaban na ginagawa niya sa akin. Ngayon, ako naman ang magsasakripisyo para sa kanya.
~~~"Nakatulala ka na naman," nakakagulat na sabi ni Red bago niya ako niyakap mula sa likuran ko.
Isinandal niya ang baba niya sa may balikat ko habang mas lalo niyang hinihigpitan ang kapit sa aking bewang.
Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon sa may dalampasigan. Medyo malayong lakarin ito mula sa bahay niya na nasa kagubatan, pero sigurado naman kaming safe dito kasi parte pa rin ito ng property niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatulala habang nakikita ko ang malakas na alon ng dagat.
Kalat na ngayon sa buong mundo ang tungkol sa pagtakas na ginawa ko sa engagement sana namin ni Kenneth.
Isang malaking kahihiyan ang ginawa kong pag-abandona kay Kenneth, pero kanina lamang nagpa-interview siya at sinabi na kung nasaan man ako nagtatago ngayon, wala akong dapat ika-guilty. Tanggap naman daw kasi niya ang lahat. Alam niya na may iba talaga akong mahal at ganoon rin siya.
Sa katunayan, nagpapasalamat pa nga siya sa akin kasi dahil sa ginawa ko, natauhan siya at nagkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang babaeng totoo niya mahal. Kasabay ng pagpapasalamat niya sa akin ay ang kanyang public marriage proposal sa ex-girlfriend niyang si Abbygail Sinel.
Sa totoo lang, naiingit ako kay Kenneth at Abby. Sila kasi, hindi ganoon kakumplikado ang sitwasyon. Normal lang kasi silang tao hindi katulad namin.
Siguro nga, mapapag-chismisan sila sa mahabang panahon pero hangga't ipinaglalaban nila ang pagmamahal sa isa't isa makakamit at makakamit pa rin nila ang kalayaan.
Hindi katulad namin ni Red, habambuhay na ata naming tatakbuhan ang mga problema. Masyado kasing kumplikado ang sitwasyon para sa amin. Kahit na gaano pa namin gustong lumaban, alam ko na hindi iyon ganoon kadali.
"Pinoproblema mo pa rin ba ang pagtakbo mo sa engagement ninyo ni Prince Kenneth?" tanong niya habang nakikipagtitigan sa mga mata ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti noong makita ko sa mukha niya ang bahid ng selos.
"What? Bakit ka ngumingiti?" kunot noong tanong niya.
"Nasabi ko na ba sa'yo na mas lalo kang gwumagwapo kapag nagseselos?" nakangiting tanong ko.
Tahimik lang siyang umiling sa akin pero mababakasan ko sa mukha niya pagkalito.
"Pwes ngayon sasabihin ko. Ang gwapo-gwapo mo pala kapag nagseselos," nagpipigil ang tawang sabi ko.
Gusto ko talagang pigilan ang pagtawa, pero mas lalo lang akong napahagalpak ng malakas na tawa.
Pinanuod lang niya ako sa pagtawa ko pero napatigil ako noong makita kong sumilay ang ngiti sa mukha niya. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ngumiti simula noong pumunta kami dito sa Palawan. Madalas ko kasi siyang nakikitang problemado at malalim ang iniisip.
"O bakit tumigil ka sa pagtawa?"
"Natutuwa ako kasi nakakangiti ka na," sagot ko bago ko siya tuluyang hinarap.
Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at nakipagtitigan sa mukha gwapo niyang mukha.
"Ngayon na lang rin kasi kita narinig tumawa. Masaya ako na kahit ngayon lang, nakakatawa ka na ulit," nakangiti pa ring sabi niya habang mas itinutulak niya ako palapit sa kanya.
"Sana ganito na lang tayo 'no? Iyong walang prinoproblema. Iyong nakakatawa tayo hanggang gusto natin at nagagawa nating ngumiti ng walang pag-aalinlangan sa dibid," medyo malungkot na sabi ko bago ako yumuko ng bahagya.
Hinawakan niya ang baba ko at muling nakipagtitigan sa aking mata.
"Nagsisisi ka ba na pinili mong tumakas kasama ko?" may halong lungkot na tanong niya.
"Hindi. Hinding-hindi," umiiling na sagot ko.
"Nagsisisi ka ba na nagkakilala tayo?" patuloy na pagtanong niya.
Umiling ako.
"Nagsisisi ka ba na minahal mo ako?"
Tumingkayad ako at bahagya kong hinatak patungo ang ulo niya para maging magkapantay ang ilong namin.
"Ikaw, nagsisisi ka bang minahal mo ako?" balik tanong ko sa kanya.
"No. Not at all," umiiling rin na sagot niya.
"Parehas lang pala tayo," nakangiti kong sagot bago ko siya binigyan ng halik sa labi.
Smack lang talaga ang gusto kong ibigay, pero mas lalo niyang hinatak ang bewang ko palapit kaya lumalim tuloy iyong halikan namin.
"Tara sa loob, may ipapakita ako sa'yo," yaya niya sa akin noong matapos kaming maghalikan.
Tumango lang ako bago nagpapatangay sa panghahatak niya sa kamay ko.
"Sister Fatima!" gulat na sambit ko bago ako nagmadaling tumakbo papunta sa direksyon niya.
"Sandra!" nakangiti ring bati niya bago ako niyakap ng mahigpit.
"Kailan pa po kayo nakuwi?"
"Kanina lang. Dito agad ako dumiretso noong malaman kong nandito. Siya nga pala, may maganda akong balita."
"Ano po?" halos sabay-sabay na tanong namin nila Red.
"Nakita na namin ang Book of Prophecy," masyang sabi ni Sister habang iwinawagayway ang librong hawak niya.
(A/n: Okay, first I'm sorry kung nagyon na lang ulit ako nakapag-update. Sorry sorbang busy lang po talaga ako sa school.
Second, 'wag ninyong isipin na hindi ko na ito tatapusin. Bago ko pa man po simulan ang book 3, tapos na tapos ko na ang buong plot. Kaya kalma lang guys. Tatapusin ko po ito. Hintay-hintay na lang.
Third, hindi na ako mangangako kung kailan ulit ang susunod na update. Basta hanggat kaya ko pong isingit sa busy kong schedule, susubukan kong magsulat ng update.
Until next time. Enjoy reading. ^_^)
BINABASA MO ANG
Christ Illumination: The Born of Nephalem (#Wattys2016)
SpiritüelBook 3 of Christ Illumination. A Life and Death story. Get ready to the born of the most powerful creature. A child who has the ability to change the world. For he may possessed to much goodness or evilness. For he is a child of an Angel and Demon. ...