Red's POV
"Sandy!"
"Sandy, wake up!"
"Damn! Sandy please, wake up!" natatarantang sigaw ko habang patuloy kong niyuyugyog ang mga balikat niya.
Naalimpungatan kasi ako ng tulog noong marinig kong parang nagsasalita siya habang umiiyak, only to find out na binabangungot na pala siya.
"Teka lang po sandali, 'wag muna kayong umalis!" malakas na sigaw niya bago siya biglang napasipa at nagising.
"Finally you're awake!" natutuwang sabi ko bago ko siya niyakap ng mahigpit.
Hindi ko ata alam ang gagawin ko kung sakaling hindi na siya nagising.
Malamang sa malamang, susundan ko siya agad.
Naramdaman ko ang mabigat na hininga niya ganoon rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Shhh... Kung ano man iyang iniiyak mo, tahan na. Panaginip lang ang lahat. Andito lang ako lagi sa tabi mo. You're safe with me," pag-aalalo ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit.
Ayokong nakikita siya sa ganitong sitwasyon.
Ayokong nakikita siyang umiiyak.
Ayokong nakikita siyang nahihirapan.
Humigpit ang yakap niya sa akin at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.
"R--Red, 'wag mo akong iiwan ha. Hindi ko kayayanin kapag nawala ka," pakiusap niya sa kabila ng paghikbi.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, 'Pangako hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari.' Pero ayaw ko namang paasahin siya.
Ayokong mangako ng isang bagay na hindi ko magagawang panindigan hanggang sa huli.
Unti-unti na rin akong nakakaramdam ng panghihina at inaalam ko pa kung ano ang dahilan nito.
Pero ang mga Seniors ng higest family ang pinaghihinalaan namin ni Steve.
Maaaring unti-unti na nilang binabawi ang mga kapangyarihang ibinigay nila sa akin.
Naramdaman kong medyo kumalma na ang paghinga ni Sandy kaya kumalas na ako sa pagkakayakap niya.
"Ano, ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya.
Dahan-dahan siyang tumango sa akin habang sinisinok. Agad naman akong tumayo para abutan siya ng tubig.
"Napanaginipan ko ang tunay kong mga magulang," pagsisimula niya habang unti-unti na namang tumutulo ang mga luha niya.
"Si Daddy Cedric at Ariana?" naniniguradong tanong ko.
Sunod-sunod siyang tumango sa akin.
"Noong una, naghinala ako. Nadala na kasi ako noon sa panlilinlang na ginawa sa akin ni Mandy, pero ang lakas ng epekto nila sa akin. Alam mo 'yung pakiramdam na parang may lukso ng dugo? Tapos iyong si Ariana, kamukhang-kamukha ko pala siya sa personal. Para kaming pinagbiyak na bunga."
"Ano raw ang dahilan nagpakita sila sa'yo?"
"Humihingi sila ng tulong sa akin. Ang sabi nila, protektahan at alagaan ko raw ang kakambal ko pati na rin ang magiging anak niya."
"May kakambal ka?!" gulat na tanong ko.
Ilang taon naming hinanap si Sandra at kahit na kailan, hindi kami nagkaroon ng ideya na may kakambal siya.
BINABASA MO ANG
Christ Illumination: The Born of Nephalem (#Wattys2016)
EspiritualBook 3 of Christ Illumination. A Life and Death story. Get ready to the born of the most powerful creature. A child who has the ability to change the world. For he may possessed to much goodness or evilness. For he is a child of an Angel and Demon. ...