Chapter Three

0 0 2
                                    

Halos mag iisang buwan na simula nung huling nagkita sina Dominique at Jared. Huling magkasama sila sa parking lot kung saan mas naaalala niya ang pinagsaluhan nila na marahil ay huling halik niya na natanggap mula rito at simula noon, ang tahimik na buhay ni Dominique ay unti unti ng gumulo.

"Paparating na ang malandi. So cheap"

"Baka naman siya ang kusang lumapit kay young master. Scholar siya dba?"

"Well.. nice body nman kse siya I admit it. Hndi ko masisisi ang young master."

Ilan lang sa mga maririnig sa tuwing paparating na siya simula ng makita siyang hila hila ni Jared nung araw na yun. Simula rin nun, hindi matatapos ang araw na hindi siya nasasaktan.

Heads up, Dominique. wag mo silang pakikinggan.

sabi ni Dominique sa sarili na hindi pinapansin ang mga naririnig.

"Hey!" Rinig nya ang isang tinig ng babae at naramdaman na lang niya na may humila sa buhok niya sabay ng pagtama ng malamig na tubig sa kanyang mukha. Napaluhod siya sa nangyaring iyon. Maririnig naman ang mga tawanan sa paligid niya. Napayuko siya dahil nagbabadya ng bumagsak ang mga luha.

"Nique!" Narinig niyang tawag sa kanya ng dalawang babae. Nakilala niya ang mga boses na yun. Si Janine at Jaimee. Naiyak na siya ng malapitan na siya ng mga ito.

"Ano bang problema niyo? Wala namang ginagawang msama sa inyo si Nique ah!" Sigaw ni Jaimee galit na galit dahil sa ginawa ng mga ibang studyante kay Dominique.

"Nilalandi niya lang naman si Jared. Ang kapal ng mukha! Mahirap lang kase kaya si Jared ang naisipang landiin. Such a Gold digger!" Sagot ng isang babae, ito rin yung humila at nagsaboy ng tubig kay Dominique.

"B*tch! Mas mukha ka pang gold digger kesa kay Nique!" Balik na sagot dito ni Jaimee.

"Why you little---" galit na sabi nito aktong sasampalin si Jaimee pero may humawak sa kamay nito. Natahimik ang lahat at kahit sila Jaimee ay nagulat.

"A-ahh.. Toffer." Nanginginig na sabi ng babae sa binata. Agad naman lumapit ang isa pang lalaki kay Dominique na kasunod lang pala ni Toffer. pilit nitong inaangat ang ulo ni Dominique para mapatingin sa kanya. Ng makita ito ni Dominique ay lalong naiyak ang dalaga at mabilis na yumakap dito..

"Kevin.." mahigpit na niyakap ni Dominique si Kevin, kahit papano ay nakaramdam siya ng safe siya sa mga kamay ng binata.

"Shh.. It's Okay. I'm here." Alo ni Kevin. Pilit na pinapatahan si Dominique. Lumapit naman si Toffer kay Jaimee at masuyong hinawakan ang kaliwang pisngi nito.

"Are you okay?" Masuyong tanong nito kay Jaimee. Kita sa mukha ni Jaimee na unti unting nawala ang galit niya at napalitan ng napakatamis na ngiti. Maririnig ang mga bulungan sa paligid, nagtataka sa mga nangyayari. Si Toffer at Kevin, matalik na kaibigan ng young master ng University, Parehong anak ng isa sa mga mayayaman din dito sa bansa.

Pilit na itinatayo ni Kevin si Dominique pero hindi ito makatayo. Dun niya napansin na parang namamaga at nangingitim ang isang parte ng kanang paa nito. Rumehistro kagad ang galit sa mukha ni Kevin at tinignan ng masama ang mga taong nasa paligid nila na sa takot ay mabilis na umalis sa lugar na iyon.

"Oh my God, Nique.. dalhin natin siya sa infirmary" gulat na sabi ni Janine ng makita ang kalagayan ng paa ni Dominique. Dali dali naman itong kinarga ni Kevin at dinala nila ito sa clinic.

Damn! Sabi ko na dapat kong protektahan si Dominique. Si Jared pa din ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon.

Naisip ni Kevin habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Dominique. Nabigyan na ng first aid ang binti nito at nakapag palit na rin siya ng basang damit.

Fall for meWhere stories live. Discover now