2

40 2 4
                                    

Nang malapit na siya sa abandonadong CR, "Asan na kaya yun?" ang tanong ni Enzo sa sarili dahil biglang nawala ang babae. "Pare! Dadaliin ko na ba?", "Hwag muna pare." At umalis na nga si Enzo.

Ginabi ng uwi si Enzo. Pagdating niya sa bahay ay pumunta siya sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator at biglang may mga naririnig siyang mga boses sa hangin. "Tulungan mo ako!", "Tulungan mo ako!", napahinto siya sa pagkuha ng tubig sa refrigerator at parang may naaninag siyang tumakbo sa may labasan ng kusina. Naglakad siya kaunti sa may labasan para tignan kung ano yung naaninag niyang tumakbo nang biglang nagsara ang bukasan ng refrigerator.

Hindi pinansin ni Enzo ang mga nangyari sa kusina. Pinaniwala niya ang kaniyang sarili na mga guni-guni lamang ang mga ito.

kinabukasan sa eskwelahan, wala sa sarili si Enzo. Tinatawag siya ng kaniyang classmate, ngunit hindi napapansin ni Enzo ang tawag sa kaniya, "Enzo.....Enzo.....Enzo..." nang biglang nag iba ang boses, "ENZO!". Nagulat siya sa boses na yun. "kanina ka pa wala sa sarili ha." Sabi ng katabi niya sa room. "Ah, wala to. " Sagot ni Enzo.

Kinagabihan sa bahay, sa kusina. Kasalukuyang kumukuha ng tubig si Enzo sa refrigerator. Nilagyan niya ng tubig ang baso at inilagay sa mesa at ibinalik ang pitchel sa ref at isinara ito. Ng kukunin na niya ang baso, laking gulat niya dahil wala na sa mesa ang baso kung saan niya ito inilagay. Nalipat ito sa katapat na dulo ng mesa. Nagtaka siya kung panu nalipat dun, pumunta siya kung san ang kinalalagyan ng baso, nung hahawakan na niya ay biglang nawala ito at nalipat sa dati nitong kinalalagyan.

Dahil dito ay nakaramdam siya na takot. Hindi nia alam kung kukunin pa ba niya ang baso o hindi na. Sa huli napagdesisyunan din niya na kunin na lang ang baso. Nang hahawakan na niya ito ay biglang may humawak sa kaniyang kamay at dahil dito ay nagulat siya at nahulog ang baso.

Nabalisa si Enzo at ilang sandali, "Anong nangyari anak?" tanong ng nanay habang siniswitch on ang ilaw. "Ah, wala po to ma, nahulog ko po ung baso, nadulas ata." "Ai naku, ginugulat mo naman ako anak. Alam mo namang ikaw na lang natitira kong mahal sa buhay mula nung mamatay ang tatay mo." medyo naiiyak na sambit. "Sorry ma, hindi na po mauulit.""Sige anak, bukas ko na lang lilinisan yan at baka masugat pa kamay natin." "Sige po ma." sagot ni Enzo.

The PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon