Si Enzo, 24 anyos, may kaya ang pamilya at kasalukuyang nag aaral ng masters degree sa college. Isang ordinaryong tao at namumuhay bilang isang ordinaryong studyante. Sa bahay nila, "Oh Enzo, kumusta ang araw mo?" tanong ng nanay niya. "Stress ma, daming reports, assignments, presentations, at kung di nagustuhan ang presentation mo, kailangan mong i-revise." "Konting tiis na lang anak, lapit ka na rin lang magtapos sa kinukuha mong masters degree.", "Salamat ma. Buti nandyan kayo kung hindi baka noon pa ako tumigil sa masters ko." nakangiting biro ni Enzo. "Ai naku ang anak ko talaga." , "Syempre, joke lang yun ma, alam ko naman na para sa ikabubuti ko to, at ng pamilya natin eh." Sabay yakap sa ina ni Enzo. Si Enzo lang ang nag iisang anak sa pamilya nila.
"RING! RING!", tumunog na nga ang alarm sa eskwelahan at natapos na ang klase nila. Pagkatapos sa eskwela, habang naglalakad si Enzo sa gilid ng kalsada, kung saan maraming maglalako ng street foods, palamig, at marami ring taong naglalakad, ay parang ,may nakita siyang parang nahulog na papel. Tinignan ni Enzo kung ano ang nahulog, pinulot niya ito at nakita niya na isa pala itong picture. Sa picture ay may apat na babae, ung isang nakaupo ay naka hood kaya hindi makita ang mukha. "Sino kaya nakahulog nito?" Malamang mahalaga ito sa kaniya." itinago ni Enzo ang picture sa adhikaing maibalik ang larawan sa may-ari.
Kinabukasan sa eskwelahan, sa pantry, habang kumakain, nakita ni Enzo yung babae sa picture, yung naka hood. Itinigil niya ang pagkain at hinabol niya ang babae. "Ale! Ale! Sandali lang po!" Sigaw niya. "Baka hinahanap niya tong picture na nahulog niya." Dagdag niya sa sarili.
Hinabol ni Enzo ang babae kung saan man siya mapunta hanggang sa mapunta sila sa isang abandonadong CR. "Pare! Pare! May papalapit sa atin! Nasundan ata tayo! dadaliin ko na ba?" sabi ng lalaking nagbabantay sa pintuan ng abandonadong CR. "Hwag muna, hintayin nating masaksihan ng taong yun ang ginagawa natin. Baka naman naligaw lang na studyante at hindi niya alam ang dinadaanan niya." Sagot ng lalaki sa loob ng CR habang itinatago niya ang mga naka sachet na illegal na droga. "Papalapit na na siya pare! May nakaalam kaya na andito tayo?" Sagot ng lalaki habang inilalabas ang kaniyang kutsilyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/77051425-288-k433682.jpg)
BINABASA MO ANG
The Picture
HorrorKindness may sometimes be the root of your downfall. It may spread throughout your humanity that may cost your life. Beware to whom you run to, be careful to what you see, be cautious to what you feel, as often they say, follow your instincts, it ma...