Kinabukasan sa eskwelahan, "You're late Mr. Ramirez!" sigaw ng teacher. "Sorry po ma'am." sagot no Enzo. "Alright class, let's continue...." Hindi makapag concentrate si Enzo dahil naaalala niya ang mga nangyari kagabi sa kusina nang biglang may narinig siyang mga bulong, "Enzo.....Enzo.....", dahil dito napatingin siya sa katabi niya at laking gulat niya ng biglang nakita niya ang isang babae na duguan. Yung babaeng yun ay isa sa babaeng nasa picture. Dahil dito napa sigaw siya at natumba sa kinauupuan niya. "Mr. Ramirez! Late ka na nga tapos nag iiskandalo ka pa!", "Sorry po ma'am. Di na po mauulit." Nag ring na nga ang bell at dali-daling lumabas si Enzo.
"Ano bang nangyayari sayo Enzo?" tanong ng classmate na nakakatabi niya sa room. "Aah, wala to. Napuyat lang ako kagabi. Sige, bye." Umalis na nga si Enzo.
Pagkauwi niya sa bahay, kasalukuyang nag aayos ng damit si Enzo, inilagay niya ito sa loob ng cabinet. Pagkatapos niyang i-ayos ang mga damit sa cabinet ay isinara ito. Laking gulat niya ng may makita siyang duguan na babae na nasa likuran niya sa salamin ng cabinet. Agad itong tinignan ni Enzo. Pagkalingon niya ay nawala na ang babaeng nasa likuran niya.
Habang natutulog si Enzo. May mga bulong siyang naririnig, "Enzo.....Enzo.....Enzo...", dahil dito ay nagising siya at nakita ang tatlong babae na nasa picture na nakatitig sa kaniya at nakatayo sa gilid ng kama niya. Laking gulat niya at napuno siya ng takot. Dali dali niyang binuksan ang ilaw at nawala ang mga ito.
Kinabukasan s eskwelahan, balisang balisa si Enzo at mistulang wala sa sarili. "Enzo, napano ka? Namumutla ka?" tanong ng classmate niya. "Uhm, wala to. Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi."
May kinuha si Enzo sa bag niya at doo'y nakita niya ang tinago niyang picture. At dahil dito napag desisyunan niyang pumunta sa police station para malaman kung sino ang mga taong nasa picture.
"Hello sir, good morning po.", "Oh, ano pong maitutulong namin?". "Pwede niyo po ba akong tulungan para makilala kung sino sino po ung mga taong nandito sa picture, kung ano pong pangalan nila, biography or ano mang impormasyon sa kanila."Sige pos sir. We will do our best para makakuha ng impormasyon." "Heto po ang number ko sir. Tawagan nio po ako if meron na po kayong impormasyon." "Sige po sir." Sagot ng police.
****
Hello, thanks for reading. Yan na muna update ko for today.
Next update is bukas, please continue to follow my work.
You can vote and comment as well. :)

BINABASA MO ANG
The Picture
HorreurKindness may sometimes be the root of your downfall. It may spread throughout your humanity that may cost your life. Beware to whom you run to, be careful to what you see, be cautious to what you feel, as often they say, follow your instincts, it ma...