Pagkatapos ng ilang araw, "Ring! Ring!" . "Hello?". "Hello po sir, police station po ito. Meron na po kaming impormasyon sa ipinapahanap niyo. Pwede niyo na pong kunin dito." "Salamat po sir, papunta na po ako dyan." Agad pumunta si Enzo sa police station para kunin ang impormasyong nakalap.
Sa police station, "Hello sir. Good morning po. Ako po si Enzo, yung nagpapakuha ng impormasyon.", "Aah, sir, eto na po ung mga documents regarding sa mga tao sa picture. Bakit ka nga pala nagka interest sa mga tao sa picture?" tanong ng police. "Mahabang kwento po sir." Sagot naman ni Enzo.
"Yung picture ng babae na nasa unahan, siya si Maria Alfonso. Yung pangalawa, si Rene Dimasilang. Yung pangatlo ay si Christine Manao. Hindi ko lang alam kung ano ang relasyon nila sa bawat isa, kung magkakamag anak ba sila or magkakaibigan." "Eh yung pang apat po, yung naka hood na nakaupo?" tanong ni Enzo. "Pang apat? Meron pa ba? Yung naka upo na naka hood? Eh tatlo lang nakikita ko dyan ah. At yung upuan nakikita ko, pero walang nakaupo.", "Sigurado po kayo sir? Hindi niyo po ba nakikita yung isa?", "Ano ka ba sir, malinaw pa po ang mga mata ko at tatlo lang talaga nakikita ko dyan." tugon ng police. "Aah, sige po sir. Maraming salamat po." Sabi ni Enzo. "O sige, walang anuman." Sagot ng police. At umuwi na nga si Enzo sa bahay nila, nahihiwagahan kung sino ang babaeng nakahood sa picture.
Gabi na ng makauwi si Enzo sa bahay nila. Binuksan niya ang nasa envelope at nag umpisang magbasa. "Maria Alfonso, ipinanganak noong February 3, 1980. Namatay dahil sa isang car accident. Si Rene Dimasalang, ipinanganak noong January 18, 1983, namatay siya matapos malaglag sa 15th floor ng isang building. Si Christine Manao, ipinanganak noong May 10, 1989, siya ay namatay matapos malunod sa ilog. Nagpalutang lutang ang kaniyang katawan 5 araw bago siya matagpuan.
Pagkatapos itong basahin ni Enzo, nahulog ang kaniyang bag na siyang ikinagulat niya. At doon din ay lumabas ang picture na nasa bag niya. Kinuha niya ang picture, "Sino ka ba? At ano ang kailangan mo sa akin?" tanong no Enzo sa sarili.
Biglang namatay ang ilaw. Nang biglang umilaw, lumitaw ang babae na naka hood sa may pintuan. Gulat na gulat si Enzo at mistulang hindi makapagsalita sa nakita niya.
Namatay ulit ang ilaw at umilaw. Papalapit ng papalapit ang babae habang patay sindi ang ilaw. Namatay ulit ang ilaw, sumindi ito at nawala na ang babae. Hindi alam ang gagawin, takot na takot siya nang biglang kumalabog ang gate ng bahay nila. Tinignan ito ni Enzo sa may bintana at nakita ang babae na tumatakbo palabas at papalayo. Kinuha ni Enzo ang picture at dali dali niya itong sinundan.
"Sandali! Ale sandali!" sigaw ni Enzo. Ngunit paruloy parin sa pagtakbo ang babae.
BINABASA MO ANG
The Picture
HorrorKindness may sometimes be the root of your downfall. It may spread throughout your humanity that may cost your life. Beware to whom you run to, be careful to what you see, be cautious to what you feel, as often they say, follow your instincts, it ma...