Kabanata 2

66 0 4
                                    

Maaga akong nakauwi sa bahay,mabuti na lang at hindi gaanong traffic kaya naman laking pasasalamat ko at makaka pagpahinga na din ako.

Sobrang nakakapagod ang buong maghapon ko,ikaw ba naman ang makaharap ang amo na ubod nga ng gwapo, kinatatakutan naman  ng lahat.Ewan ko na lang kung hindi ka mawalan ng lakas.Besides,si Dyosa lang ako,hindi si Darna,at wala akong kapangyarihan para lumunok ng bato tapos haha-hunting-in ng mga pulis at eentra si De Lima.Hay naku,ayoko nang dagdagan pa ang napaka stressful kong life! Tama na 'yung madami ang mamroblema sa aking kagandahan.

"Anak,buti nakauwi na,dumating na nga pala ang bills na babayarin natin.Kaya mo pa ba anak?Maaari naman akong tumulong sa gastusin dito sa bahay,malakas pa naman ako,pagbigyan mo na ako na tulungan ka Gabrielle."aniya.

"Tiyang,kaya ko naman po ito.Wag na kayo mag alala,sapat na ho sa akin yung andyan kayo at inaalagaan ako.Mabuti pa ho at magpahinga na kayo,masama ho ang pagpupuyat sa inyo".sagot ko.

Habang nakahiga sa aking kama,hindi ko maiwasang hindi maisip ang hitsura ni Sir Greco,totoo nga na napaka gwapo niya,kahit saang anggulo mo tingnan,talaga namang makalaglag panty ang kanyang kagwapuhan.

I doubt kung wala siyang girlfriend ngayon eh halos alam naman ng lahat na kabi-kabila ang kanyang mga babae.

Halimaw talaga ang alindog niya.Hindi naka pagtataka na pati ang matalik kong kaibigan ay mahalina sa kanyang karisma.

"Good morning Miss Camince,ibibigay ko lang po sana itong report na pina revise ni Sir kahapon,andyan na po ba siya?Iiwan ko na po ito dito."

Mabilis na umalma si Miss Camince, ang secretary ni Mr.Torregoza, sa aking naging pahayag,kaya naman hinawakan niya ang aking braso at maagap na umiling.

"Kabilin bilinan ni Mr.Torregoza na ikaw daw mismo ang mag abot niyan sa kanya,actually kanina pa siya naghihintay.Mabuti pa pumasok ka na sa loob at baka pareho lang tayo malintikan pag nagalit na naman siya",sabi niya habang nakanguso sa pinto ng office ni Sir.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanyang tinuran.

Kumatok ako ng tatlong beses at narinig ko ang pagtikhim mula sa loob.Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang pumasok sa loob.

"What took you so long?Did I made myself clear to you that I need that report first thing today?What are you waiting for?Come here and I'll review that. Now...."

Napapitlag ako sa kaba ng iabot ko sa kanya ang folders na dala dala ko.Ano ba naman ito,aga aga eh ang init ng ulo.

Sa pagkakaalam ko,maaga pa nga ako sa dapat na oras na mag report sa kanya.

Nanatili ang kanyang titig sa akin kahit pa naiabot ko na yung mga hinihingi niya.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung aalis na ba ako o hindi.Ano na naman ba ito?

"I'm sorry Sir if I made you waited for this papers.I promise it won't be happen again.Shall I need to go out Sir or do you have anything else to say?"...kinakabahan kong tanong sa kanya.

Lalo lang naningkit ang kanyang mga mata sa aking sinabi kaya naman wala na kong ibang nagawa kundi ang yumuko na lamang habang naghihintay ng kanyang anumang sasabihin.

"No,I need you to stay here until I finished this.You can take a sit,Miss Zafira,I don't want you to wait here in front of me standing up like that,seeing how tremble you are right now.I don't want to scare you,it's just that I always like this.I'm a human too,just so you know."

Mahaba niyang paliwanag at unti unting nabawasan ang kanyang galit na aura.

"Thank you Sir." Sabi ko at naupo ng tuwid sa upuang naroroon.

Ipinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa at paminsan minsan nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin.

Wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ang maupo lang dito sa sofa habang hinihintay siyang matapos.

Ang tagal naman! Magkaka-stiff neck na yata ako pero di pa rin siya tapos.Mapapanisan na ako ng laway dito kasi wala namang nagsasalita sa aming dalawa.

"Ehem,can you please hand me those folders?"he simply cleared his throat sabay turo niya sa kabilang table na malapit lang sa pwesto ko.

Tumalima naman agad ako.Muntik pa kong matapilok kasi naman hindi ako halos gumalaw habang nakaupo kanina.Sana hindi niya nahalata,nakatingin pa naman si Sir Greco sa banda ko.

"Thank you,but please be careful next time.I don't want you to hurt yourself." He coldly said without leaving his stares from me.

"Pasensya na po,hindi na po mauulit ang nangyari"naka yukong sambit ko.Hindi ko magawang salubungin ang kanyang titig,baka kasi lalo lang akong makagawa ng kapalpakan.

Wala na akong ibang narinig na salita pa mula sa kanya kaya naman nag - angat ulit ako ng aking paningin na sana ay hindi ko na lang ginawa.

Matiim pa rin siyang nakatitig sa aking mukha at bahagya ng nakahilig ang kanyang likuran sa swivel chair na inuupuan niya.Nakakagat labi siya at mapanuyang umangat ng konti ang sulok ng kanyang labi.Parang nagpipigil na mapangiti! Ang cute niya lang tingnan.

Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng tuluyan niya na akong bigyan ng isang ngiti,bakit ganito?Biglang naglilikot ang bulate sa aking tiyan,ah,siguro gutom na ako!

Nakalimutan ko nga pala mag almusal kanina sa pagmamadali ko lang na makapasok ng maaga.Tapos sasabihin niya late ako ng dating sa office niya?

Asan ang hustisya? Eh di wala.In short, nganga!

"Are you always like that? Why do I have this feeling that you're not comfortable with me?I can be your friend, too."

"Sir,it's simply because you're my boss and I'm just one of your employees here.I must give my utmost respect towards you and I can't see any reason why should I be friend of you."

"Whoah! So you're saying that because I'm your boss I am not allowed to be friend of my employees even if I insists?I don't know that there's such kind of law in our society. Ouch! You're hurting me,young lady"...napapa pikit niyang sumbat na akala mo totoong totoo.Humawak pa siya sa kanyang dibdib na parang tunay na nasasaktan.

"Sir sinasabi ko lang naman po ang realidad,maaari nga na may magkakaibigan sa kabila ng antas nila sa buhay o posisyon pero hindi masasabi na matatag iyon,kung meron man,iilan lang.Andoon pa rin ang katotohanan na kahit anong gawin mo,hindi mo maaalis na husgahan ka ng lipunan." Mapait kong paliwanag.

Tumango naman siya at tumayo mula sa kinauupuan niya.Lumapit siya sa aking harapan.

"Paano mo malalaman kung tunay ang intensyon ko kung 'di mo ko hahayaang ipakita iyon sa'yo?"he said and smiled weakly.

Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon