Kabanata 3

68 0 1
                                    

"Oh anong klaseng pagmumukha yan?Anyare?Nagpunta ka lang sa office ni Sir Greco nagka ganyan ka na?Chika naman d'yan oh?"

"Ano ba naman Yasmin,kahit kelan talaga napaka tsismosa mo.Walang nangyari okay?Nagreport lang ako,end of story." Sabi ko at irap sa kaibigan ko na nakaharang sa table ko.

"Kung walang nangyari,bakit mukhang defensive ka mare,uy,siguro tumulo laway mo kanina no?Kahit naman ako malamang hihimatayin na ko sa kilig pag nagkataon" wika niya habang kilig na kilig na akala mo mo bulate na binudburan ng asin.

"Hindi ako defensive no?!,Naku tigilan mo ako at magtrabaho ka na nga lang d'yan,mamaya makita pa tayo ni Ma'am,mapagalitan pa tayo.Okay lang sana kung ikaw lang yun malilintikan at hindi ako damay" I said while laughing like an idiot.Asar talo din kasi tong kaibigan ko,tingnan mo nga at nagwalk out na patungo sa cubicle niya.

"Sabay na lang tayo mag lunch mamaya! Libre mo ko ha!"Pahabol kong wika sa kanya,hindi parin tumitigil sa aking pagtawa.

"Tse! Oo kung me kasamang chika,pag wala,sorry na lang my friend" Aba't umirap pa ang lola.

Umupo na ko sa pwesto ko at seryoso nang sinimulan ang aking mga dapat tapusin.Hindi ko na namalayan ang oras kung di pa lumapit si Yasmin sa aking table.

"Hoy loka,kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin,aba kung ayaw mo kumain sabihin mo lang at uuna na ko sayo.Kanina pa ko tomjones no?!" Talak niya sa aking harapan.

"Sorry na my friend,busy lang talaga.Let's go?" Nakatayo na ako at ready ng sumabak sa kainan.Oo nga gutom na rin pala ko,bakit ngayon ko lang naalala?

Sabay kaming naglalakad papuntang cafeteria,naka abrisiyete ako kay Yas nang bigla siyang napahinto.Namimilog ang kanyang mga mata at tinakpan ang kanyang bunganga! For sure sisigaw na to,kasi naman andito din si Sir Greco.

"OMG! My friend,sampalin mo nga ako,baka kasi nag hahalucinate lang ako.Totoo ba yung nakikita ng two beautiful and tantalizing eyes ko?"

"Oo gaga,pwede ba bawasan ang pagiging OA..Nakakaumay!"I said and can't help to emphasize the word OA.Kasi naman,napaka big deal sa kanya yun.Sabagay, first time lang kasi kumain ni Sir Greco sa cafeteria.

"Ang bitter mo talaga kahit kelan no?Basag trip ka palagi my friend,nakaka imbyerna,masisira beauty ko sayo."Ano kaya naman nakain ni my labs at andidito siya" tumingin siya sakin at hay naku di ko gusto naiisip ng bruha na to.

"Don't tell me,sinusundan ka niya dito?" At yun nga,pinaghahampas na ko ng lukaret na ito.Pasa na aabutin ko sa kanya.

"Grabe ng imagination mo ha!Mabuti pa tanungin mo siya para naman matigil ka na d'yan.Nakakatakot ka na Yas,stalker ka na ba niya?"nagpipigil na akong mapikon dito sa babaing kasama ko,pano ba naman kasi kung ano-ano na lang naiisip.

Umirap lang siya sakin at kinuha ko na yung order niya,siya kasi maghahanap ng table namin na dalawa.Dumiretso na ako sa counter at binigay yung napili na pagkain.

"Miss Zafira Peralta po ba name ninyo ma'am?tanong ng cashier sa akin.Magbabayad na kasi ako.

"Ahm opo,ako nga po,bakit po?Me problema po ba?" Balik tanong ko.

"Wala naman po ma'am,kaso nagpa reserve po kasi Mr.Torregoza nang foods para sayo."umalis siya saglit at may dala ng tray ng pagkain nong bumalik siya."Eto po Miss Zafira,enjoy your meal" ngumiti pa siya sakin na akala mo e kinikilig sa kung anuman.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin na lang ang tray at umalis doon sa pila.

"Akala ko ba Gabb ako ang manlilibre sayo,mukhang ikaw naman yata?Nilalagnat ka ba?si Yas,nagulat ng inilapag ko ang tray sa ibabaw ng mesa namin.

Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon