Kabanata 5

34 0 0
                                    

"Sir,thank you po sa paghatid,pati narin po sa dinner.Pasensya na po kung naabala pa kita...."ako matapos kung bumaba mula sa kanyang sasakyan at andidito na kami sa tapat ng aming munting tahanan.

Halos pasado alas dies y media narin kasi ng gabi nang makauwe ako,salamat narin sa paghatid ni Sir.Nakatayo lang siya sa aking gilid at masusing pinagmamasdan ang kapaligiran.Unti-unting kumunot ang kanyang noo nang mapansin ang mga tambay na wala ng ginawa kundi ang magsugal o di kaya naman ay mag- inuman na kulang na lang ay sunugin ang kanilang atay kasi halos araw- arawin na nila itong bisyo.Akala mo naman napaka gugwapo at talaga namang mga naka hubad baro pa na halos ibalandra ang mga naglalakihan nilang bilbil.Kung makakanta akala mo wala ng bukas,peste talaga sila sa mga taong pagod sa trabaho at ang nais lang ay makapagpahinga na pag uwi nila sa bahay.

Kaya walang pag asenso ang Pilipinas eh,saksakan ng batugan ang karamihan tas malalakas pa sila sa kalabaw di na sila nahiya sa mga may kapansanang nagpupumilit tumulong sa kanilang pamilya upang sa ganoon ay hindi sila maging pabigat.At sila pa 'yung may mga ganang magreklamo sa gobyerno kung bakit sila walang trabaho ngayon,oo nga at kurakot ang mga ibang namumuno pero hindi sapat na dahilan iyon upang iasa na lang sa pamahalaan ang iyong kinabukasan.

Aba'y kumilos ka rin naman at magsikap upang may marating ka naman sa iyong buhay, hindi 'yong maghihintay ka na lang ng patak ng ulan,este grasya pala.

"Sir,me problema po ba?.."hindi na ako nakatiis magtanong sa kanya dahil hindi ko na makayanan ang katahimikan sa aming dalawa.

Nilingon naman ako ni Mr.Torregoza,at humugot siya ng isang malalim na buntong -hininga.Mabigat nga siguro problema niya,oh di kaya naman,teka don't tell me,na flat ang gulong ng kotse niya?Or,naubusan ng gasolina?Mahal pa naman ang kada litro ng diesel ngayon.Kailan ba bababa ang presyo nito?

Umiling siya at pinagmasdan akong mabuti."How long have you lived here?.."mababanaag mo sa kanyang mata ang labis na pag -aalala,na hindi ko malaman kung bakit ganoon.Natatakot ba siya sa mga kanto boys na ito?

Lumaki ako dito,so far wala pa naman masamang nangyayari sa akin except nong minsang na- snatchan ako ng bag.Hindi ko na nga lang hinabol dahil wala naman 'yung laman sa loob bukod sa napkin na Modess na ini-e-endorse ni Angel Locsin at Johnson's baby powder na white,doon lang kasi ako hiyang .Baka nga laking galit lang sa akin nong snatcher kasi nalugi lang siya sa effort na nakawan ako.Eh shunga din naman kasi yung mama na yun,alam niya naman na di pa sahuran.

"Dito na ako lumaki,simula pagkabata ko.Pasensya na po Sir kung sa isang squatters area ako nakatira,narumihan pa tuloy ang sapatos mo..."napansin ko kasi na me konting putik yung shoes niya.Nakakahiya naman at inihatid niya pa ako hanggang dito.Sana noong umpisa pa lang tumutol na kaagad ako.Kaya lang wala akong lakas ng loob para tumanggi.Oopps,hindi yan kanta ha,baka kasi mapakanta pa kayo d'yan eh.

Magsasalita pa sana ako ng marahan niya akong pigilan nong inilapat niya ang daliri niya sa aking labi at hawakan ang aking baywang.Ngumiti siya sa akin.Shet na malagkit,heto na naman po kami,dinadaan niya na naman ako sa kanyang mga sweet effect.Talaga naman oh! Di na uso ang Magic 360!

"It's not a big deal for me if you're lived here,rather those dirts on my shoes,what I care for is now I know where I should start to win your heart,and it is starts here...."marahan niyang hinaplos ang aking labi.Ngumiti ulit siya at marahan niya na akong binitawan.Ramdam ko ang init ng aking mukha mula sa lahat ng kanyang sinabi.

"It's getting late,you should  go inside your house and take a rest... "tumingin siya sa kanyang relo na Rolex,."See you tomorrow.Good night,Zafira.."Nakatayo siya sa aking harapan habang nasa bulsa ng kanyang pantalon ang dalawang kamay.

"Good night din po Sir,ingat po kayo sa pagda-drive..."ngumiti ako sa kanya,for the first time in my life,I've never had this weird feeling,and I know for sure,at the end of the day,he will surely have my heart.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapasok sa pinto na iyan,so please,get inside now...or else I'll bring you  into my place,you choose.."he said seriously while staring at me.

I shook my head in disbelief! What just the hell he say?Hindi na ako nagsalita pa at nagmamadali na akong pumasok sa loob.Narinig ko na lang ang isang malutong na halakhak mula kay Sir Greco at mula sa bintana kita ko ang likuran niya habang naglalakad papalayo sa aking bahay.

Maaga akong pumasok sa trabaho kinabukasan.Pakanta kanta pa ako,which is I unusually do.I feel better,or I rather say, inspired?

"Good morning my beautiful dearest best friend..."bati ko kay Yas na kararating lang at magulong magulo ang buhok,daig pang pugad ng ibong sabukot.

"Oh I love that praises,wag ka lang magpapa libre ulit mamaya,Gabb at wala akong datong ngayon,naholdap ako ni Mamang..."kaya naman pala ganyan ang hitsura niya.Na stress na naman,siya din kasi halos bumubuhay sa pamilya nila.Pangatlo sa limang magkakapatid,yung, dalawang kuya niya,pamilyado na pero sa kanila padin nakasiksik,walang matinong trabaho.Yung dalawa namang sumunod sa kanya,high schoolers.Buti regular na kami sa trabaho at kahit papaano may sigurado ng kita.

"Hindi ka ba rumaket kagabi?Gusto mo,ako na lang manglibre sayo ngayon tutal naman hindi ako namasahe kagabi,nakatipid pa ako ng dinner,salamat sayo ha,best friend..."sarcastic kong sinabi sa kanya.You knew what I meant.

Agad ko namang nakuha ang interes niya at biglang bigla nag glow ang kanyang mga mata.Matapos maibaba ang gamit sa kanyang lamesa,lumapit kaagad siya sa aking pwesto at heto na,simula na ng tsismisan.

"Grabe!!..hindi na ako magtataka kung ma in love man sayo si Papa Macho,sa ganda mo ba namang iyan,walang panama sayo si Shailene Woodley..Alam mo best,nagtataka nga ako eh..nakita ko naman sila Tita dati pero di mo sila kahawig,saka ang kutis mo,ibang iba sa kanila.Baka naman ampon ka lang nila?..."bulalas ni Yas,nakatakip pa ang kamay sa kanyang bibig.

"Aray naman bhe,pwede pakihinaan?Naalog ata utak ko don ah..."binatukan ko na si Yas,kung ano ano naiisip eh.At saka ano daw,naalog utak niya?Eh noon isang araw pa nawawala ang utak niya este,palagi palang nasa lost and found station.

Kahit ako aaminin ko din na minsan sumagi na sa isipan ko iyon.Hindi ko na lang pinapansin,dagdag problema lang iyon.

"Naku,mamaya na lang ang continuation ng chika at ayan na parating na ang inang reyna,ayoko ma stress,nakakasira ng ganda!!..si Yas,bumalik na sa assigned table niya at habang ako naman,nagsimula na din mag focus sa assignment ko.

"Good morning my beautiful Zafira..."hindi ko namalayan ang paglapit ni Sir Greco sa aking table."Flowers for you ..." At ngayon nga isang malaking pumpon ng red roses ang dahan dahan niyang ibinababa mula sa kanyang hawak patungo sa ibabaw ng aking lamesa.

Hindi ako makahuma sa aking pagkabigla.Pakiramdam ko nag init ang aking pisngi at doble doble ang kabang aking nararamdaman.Shete!Kinikilig ako,ano ba yan! Halos lahat ng ka officemates ko nakatingin na sa amin ngayon! May mukhang na shocked,,shock pa sila ha,sa ganda kong ito ewan ko na lang kung hindi sila maglaway,ano daw?Yabang ko lang hihi..

May mukha namang naiinggit,aba dapat lang noh,ako napansin ni Sir Greco,effortless inday! Sila?Dumaan na at lahat kay Dra.Belo,nganga pa din..Naubos na yata lahat ng glutathione,negra pa din! I know ,I'm such a bad girl,and I didn't say I'm a good one,but I'm just stating the fact,and it's not my fault anymore if I was born this way!

"Thank you,but I think it's too much Sir.. And next time,please don't bother yourself  in someone like me..."Protesta ko,ayoko kasing isipin niya na easy to get ako,it takes more than this before he completely captured my heart.And I'm really afraid that I am slowly falling for him.

"Don't tell me what I should do or don't..If I want to court you,it's in me,and no one can stop me from my decision..even you....." he eyed me with full of seriousness in his tone and I know,I was fucked up,big time.

                 

Always Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon