Fall (1)

31 6 2
                                    

Hindi ko inakalang mahuhulog ako sa'yo. Para lang kahapon, Grade six ka, Grade four ako, naging magkaibigan tayo pero I never knew na may mararamdaman akong ganito sa'yo.

Gusto mo yung mga babaeng magaganda, klarong-klaro naman e. Naalala mo si Donna? Akala ko naging kayo, pero siguro naging kayo pero patago nga lang.

Ang saya niyo lang kasing tingnan. Dati nakikita ko kayong dalawa na magkasama sa labas ng classroom ni Ate Donna, parang ang saya ko na rin kasi bilang kaibigan, alam kong masaya ka. Pero bakit ngayon tuwing naalala ko lahat ng yun, may sumasakit? Ang saklap pa e, wala naman akong magagawa.

Hindi ko lang masyadong nagets nung first day of school, may iba na kasing kasama si Ate Donna. Ano bang nangyari? Hindi man lang ako nainform na nagbreak na pala kayo.

Ayaw kong makialam nun. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa'yo nun. Masyado kasi akong nagfocus sa iba, kay Luke.

Kasalanan ko bang masaktan ako ngayon? Kasalanan ko bang ganito ako kapangit para hindi mo man lang ako magustuhan?

fall then breakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon