Fall (4)

20 4 0
                                    

Natapos na lang ang buong araw, hindi pa rin ako kumikibo. Walang pansinan, wala lang. Lahat kasi sa club naghahanda at nagsusulat para sa susunod na issue ng school paper.

"Huy, ang seryoso mo naman." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Wag mo naman akong gulatin." Sabi ko at tumawa lang siya.

"Wag kang tumawa-tawa jan Antonio, isang page pa lang ang nagagawa mo at dalawang araw na lang dapat na natin 'tong mapasa sa printing press." Dagdag ko. Totoo naman e, pasalamat nga siya may nagreremind pa sakanya baka makalimutan niya, edi mapapatay siya ni Sir.

"Chill ka lang, 'yan kasi ang wala sa'yo. Di ka kasi marunong magchill. May nalaman ka bang issue ng school paper natin na palpak? Di ba WALA? At tsaka walang Antonio dito." Inirapan ko na lang siya.

"O sige na, imbes na kulitin mo'ko dito. Mag-edit ka na ano ba, baka mamaya marami yang mga mali mali. Pangalan ni Kuya Henry ang madadawit niyan."

"Bakit siya madadawit? Siya ba Editor-in-Chief?"

"Ang bobo mo talaga, malamang oo. Bahala ka sa buhay mo."

Pumunta ako sa kabilang section ng library na may maraming estudyante atleast dito hindi masyadong maingay. Nagbabasa kasi lahat ng estudyante sa part na'to.

Siguro nga kung mag-uusap-usap silang lahat dito, katumbas ito ng ingay na pinaparinig sa akin ni Anthony- Antonio pala.

fall then breakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon