Fall (15)

9 4 0
                                    

Nasabi ko na bang si Anthony aka Antonio ang President ng student body namin?

Unfortunately, yes. Nagtaka nga ako kung bakit nanalo 'yan. Hindi naman ako bumoto sa kanya. Kay Kuya Luke kaya ako bumoto! Malamang.

Aaminin ko, gwapo naman 'tong si Anthony. Yun nga lang conceited at selfish. Madaming babae pero pafling-fling lang. Walang kasiguraduhan sa buhay.

Nakakainis kasi 'tong si Antonio kanina. Sila kasi yung nagbabantay sa'min sa morning activity ng school kaya malaya silang nakakalakad kapag nagrorosaryo. Oo, araw-araw kaming nagrorosaryo lalo na't ngayon ay Disyembre.

Ganito kasi yun, kanina tumabi yung lintek na 'yun sa'kin at pinagtripan ako.

Tinawanan na lang ako ng mga classmate ko.

TANGINA naman kasi, may pa hawak-hawak pa siya ng kamay sa'kin. Talagang kinilabutan ako. Nakakaasar juskolord. Buti naramdaman ko kaagad at nahampas siya ng patago.

Aba't tinawanan lang ako.

Hinanahanap ko ngayon ang Antoniong yun dahil makakatikim talaga yun sa'kin.

"Hoy! Antonio!"

Inangat niya ang ulo niya at ngumisi sa'kin

Aba naman at may gana pa siyang ngumisi sa'kin. Dali-dali kong hinanda ang sarili ko at sinuntok siya sa mukha.

"Holy fu--."

"Mauna kay buang ka kaayong dako." Sabi ko.

___________

A/N: Bisaya kasi si Aspen HAHAHAHA! by the way it meant "Yan kasi! Isa kang malaking baliw!"

fall then breakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon