Fall (12)

15 4 0
                                    


"Wag nga kayong mag-effort sa birthday ko, ano ba."

"Ang assuming mo naman, akala mo naman kung sinong maganda." Sabi ni Freia.

"Oo nga, tapos ganito rin yung mangyayari. Naalala mo last year? Parang gusto ko na talagang magpalamon sa lupa nun."

"Kinlig ka naman."

"Kay Kuya Luke, iba na kasi ngayon. Manglilibre na lang ako sa inyo."

Umirap lang siya at hindi na ako pinansin. Pustahan tayo, may gagawin na naman 'tong masama sa kaarawan ko.

PAGKATAPOS ng review classes namin, umuwi agad ako sa bahay. Excited na kasi ako, narelease na kasi ang second book ng Magnus Chase. Bandang October pa pala yun narelease, hindi ko lang namalayan, ang dami ko kasing ginawa e.

"Ma!" Sigaw ko habang tinatype ang Magnus Chase: The Hammer of Thor sa nbs.com

"Oorder ako ng libro online! Baka mapadali yung shipping ikaw na bahala!"

Kahit hindi sumagot si Mama alam kong gets niya na 'yun basta mga libro, may soft spot si Mama.

Nang nagscroll ako paibaba ng feed ko sa instagram, may nakita akong napaka-amazing na hindi maexplain ng mga mata ko.

SHOWING NA PALA ANG FANTASTIC BEASTS, NOVEMBER 18 BES TAPOS NGAYON DECEMBER NA.

Ano bang klaseng Potterhead ako? Hindi ko deserve ang ganito. Dapat akong ikulong sa Azkaban.

Dali-dali akong pumunta sa twitter at nagdrama.

@aspendesarapen: Showing na pala Fantastic Beasts, hindi ko man lang nabantayan. Napakalungkot, but can we watch Fantastic Beasts together?

Natawa lang ako sa pinost ko, para namang may gusto. Parang namang mayboypren, para namang hindi pangit.

Nagulat na lang ako ng may tumunog ang twitter notifications ko.

________________________

↩️ in reply to Aspen Desarapen

@henrynicholas: @aspendesarapen yes 😘

_______________________

Please sabihin niyo sa akin na hindi ako nananaginip.

fall then breakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon