SIMULA
Kabado ako ngayon habang nakaupo sa shotgun seat sa sasakyan ng kaibigan kong si Zasha, ngayong araw kasi ako mag a-apply ng trabaho para sa ojt. Currently I'm a fourth year, HRM student at syempre bago gumraduate dapat lang na mag ojt ang mga estudyante para may skills and experience bago sumabak sa totoong trabaho.
I took a sigh as I open my bag, kinuha ko ang aking face powder at lipstick. Tinignan ko ang aking mukha sa maliit na salamin at nag apply ng powder sa aking mukha. Dapat mag mukha akong tao kahit ngayong araw lang, this is my dream, pangarap kong makapag trabaho sa pinaka sikat na Hotel sa Pilipinas kaya dapat kapag humarap ako sa HR ay katiwala tiwala naman ang pagmumukha ko.
"You look tense. Kumalma ka nga." Sabi ni Zasha sa tabi ko habang nag mamaneho siya. Sinaraso ko ang aking face powder at nilagay sa aking bag.
"Kinakabahan ako. Sa dami ba namang gustong mag apply sa Montatharadel Hotel and Resort, napaka imposibleng matanggap ako." I mouthed at nakita kong kumunot ang kaniyang noo.
She rolled her eyes and took a glance on me, na agara ding ibinalik ang kaniyang tingin sa kalsasa. "Fine, it's normal to feel nervous pero Sam, mag aapply ka sa pangarap mong Hotel kaya imbes hilain ang sarili mo pababa, claim it na matatanggap ka."
Napangiti ako sa sinabi ni Zasha, she really knows how to make me feel okay. Kahit madalas maypagka attitude tong kaibigan kong ito, alam na alam ko talagang tunay siyang kaibigan. "Thank you." Mahina kong sabi at tumingin sakanya. Medyo kumalma naman ako pero nandito parin ang kaba.
"But if you really want that job, you don't need to apply for it, I can help you..." hindi ko siya pinatapos at agad tinakpan ang kaniyang bunganga. 'Eto na naman siya.
Zasha is a rich ass bitch, her family is one of the investors sa pag a-applyan kong hotel and she actually offered me na tutulungan daw niya ako makapasok, pero tinanggihan ko siya. Ayaw ko kasing umasa sa tulong ng ibang tao kahil si Zasha pa na matalik kong kaibigan, I don't want her to think na ginagamit ko lang siya, beside nakakababa sa sarili ang natanggap kalang sa trabaho dahil may connection ka.
Mahalaga sa akin ang makapasok sa hotel na ito, aside sa pangarap ko ito malaking tulong 'din ito sa future trabaho ko dahil kapag nagustohan nila ang pananatili ko sa kanilang hotel ay pwede agad nila akong kunin pagkatapos kong grumaduate or kung hindi naman palarin at least maganda ang background ko dahil sa sikat na hotel ako nag ojt.
"Fine, hindi na kita pipilitin, but if you need help. Please don't hesitate to approach me Sam, hindi ka na iba sa akin." Giit pa nito at tumango lang ako.
After a few minutes ay nakarating na ako sa hotel, Zasha just dropped me here since may lalakarin padaw siya, of course di na ako nag tanong kung saan, kasi halata namang manlalalaki na naman yun. Pero kahit ganyan yang kaibigan kong yan, mahal na mahal ko yan.Since elementary para na kaming kambal tuko na hindi maipaghiwalay ni Zasha, sobrang iyak naming noong nagkahiwalay kami sa high school, kasi hindi na kaya ni mommy na pag-aralin ako sa dating school na pinapasukan ko, kaya nag transfer ako sa public school. My Dad is a business man, maliit lang ang Negosyo niya kompara sa ibang negosyo dito sa Cebu, pero kahit papaano ay masasabi ko namang may kaya kami noon. Maganda ang bahay naming at nabibili ang lahat ng gusto ko, pero nang makapagtapos ako ng elementarya ay dun na nag loko si Dad sa amin. Nalulong siya sa sugal at babae, at kahit katiting ng pera niya ay hindi nya na kami binibigyan, samantalang si mommy naman ay nagkasakit sa panahong iyon dahil sa problemang dala ni dad, hanggang isang araw nabalitaan nalang naming na isa pala si dad sa namatay sa lumubog na barko papunta sa mindanao para puntahan ang babae niya. Hindi agad natanggap yun ni mommy kaya tatlong buwan lang matapos ng nangyari kay daddy ay sumunod din si mom, kaya naman sa ngayon ay ako nalang ang magisa.
BINABASA MO ANG
A Night With The Tycoon
RomanceHighest Rank: #11 #13 #Wattys2017 Contestant (c) EnlightsHeart Starts: June 6, 2016 Finished: December 18, 2016 CURRENTLY EDITING AND UNDER IN A MAJOR REVISION