KABANATA 2

62.6K 1.1K 19
                                    

Author's Note: Feel free to comment and vote. Para ganahan akong mag UD hehe 😉
Enjoy reading!
______

KABANTA 2

Stranger


It's been a week since what happened sa condo ni Tyrone at hanggang ngayon I'm not over him. Kahit pilitin ko mang hindi malungkol at mag relapse, I really can't help myself. After all, may pinagsamahan kami ni Tyrone at hindi ko nalang yun basta bastang makakalimutan.

Minsan pa nga ay ini-istalk ko ang socials ni Gracielle to have some updates about him... I mean them to be exact. Ewan ko ba sa sarili kong to, kahit alam kong masasaktan lang ako at ma-iinsecure, ay pilit ko paring inaalam. Kaya upon checking on Gracielle's socials last night, nakomperma ko ngang pinublic na nila ang kanilang relasyon! Ang kakapal ng mga mukha! Ni hindi manlang ba sila na konsensya sa ginawa nila sa akin? Na kahit mas pinatagal nalang sana nila ang pag pa-publicized ng kanilang relasyon, knowing what they have caused me!

Today was actually my second day of working here sa hotel. I got accepted and I am so happy, kasi bata palang pangarap ko na to, ang makapag trabaho sa isa sa sikat na hotel sa Pilipinas. Kahapon ay wala kaming masyadong ginawa mga intern, we just have our orientation and observation then after that, umuwi kaagad ako. For the fast few days yan ang naging routine ko pagkatapos ng school, hindi na ako gumagala pa, umuuwi agad ako sa bahay para mag mukmok, mag relapse at umiyak. Palagi rin akong kinakamusta ni Zasha at inaaya lumabas, but I always decline her kasi hindi ko masyadong feel ang mag party. Kaya inaabala ko nalang ang sarili sa school at trabaho.

Kasama ko rin pala sina Jana at Nathalia dito sa hotel, natanggap din sila kaya nawawala masyado ang kaba ko, kasi kahit papaano'y may kakilala at nakakausap ako tuwing break.

I took a deep sigh as I looked myself in the mirror. Inayos ko ang buhok kong naka-bun at naglagay ng kaunting make-up. I need to look presentable kahit hindi ako okay, haharap ako sa maraming guest at dapat lang na kaaya-aya akong tignan ng mga bisita.

"Alam nyo dun sa pool side, ang daming gwapong guest. Ang gaganda pa ng mga katawan. Sarap kagatin!" Hirit ni Nathalia sa gilid ko habang nag aayos din. Kagagaling lang naming mag break at ngayon nga ay may kaunting oras pa kami para mag ayos sa sarili.

"Dun naman sa front office, para kaming mga robot. Para bang lahat ng salita at galaw nami'y kalkulado. Dagdag mo pa ang nakakangawit sa bibig, dahil kaylangang palagi naka smile." Kwento naman ni Jana na kakatapos lang mag lagay ng lipstick.

Iba- iba kami ng assigned post tatlo kaya hindi kami pareho ng experience, pero kahit ganon ay mararanasan din namin lahat ng post, since rotational naman. Sobrang laki rin kasi nitong hotel na to, kaya madaming post.

"Ikaw Sam, kamusta ang food and beverages? Balita ko palagi kayung busy dun." sabi ni Jana.

"Ah, oo. Sobrang busy nga dun, hindi kami nakakaupo dahil sobrang daraming customer, lalo na kaninang lunch. Sabi pa nga ng mga crew, mas madami pa daw tuwing dinner." Sagot ko naman.

"Nako buti nalang talaga hindi dyan ang una kong post, may time pa akong mag stretching para paghandaan ang bakbakan dyan!" sabay tawa ni Nathalia.

Pagkatapos naming mag ayos, bumalik na agad kami sa kanya kanya naming post. Hindi pa nga gaanong madami ang tao pagkarating ko, kaya tumulong nalang din ako sa pag- lilinis ng tables at mag serve ng orders. Tinuruan nga rin ako ng manager hinggil sa menu didto sa resto, at hindi na nga ako nagulat ng mapansin na halos lahat ng cuisine ay nandito na sa menu. After all this is a five star hotel and most of the guests here ay mula pa sa iba't ibang panig ng mundo.

A Night With The TycoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon