Peach Zchie's POV
Saturday morning, ngayon eh naghahanda kami ni Ky ng gamit namin. Sabi kasi ng ate nya eh maaga na kaming magpunta sa bahay nila. Dun na lang din daw kami magayos para mamaya sa party.
Pinaliwanag ni Ky sa akin na hindi lang basta-basta party yung pupuntahan namin. Para pala itong gathering ng mga mayayamang business man sa loob at labas ng bansa. Business talk ika nga nila. At sila Ky yung host ngayong taon. Gaganapin daw ito sa garden ng bahay nila.
So ganun kalaki yung bahay nila Ky? Well, hindi na ako nagtataka. May-ari ng kompanya ang tatay nya sa Japan. At hindi lang basta-bastang company, isa sa pinakamalaki sa asia na kompanya na ngayon eh nageexpand na daw sa Europe at USA.
"Ready ka na?"
"Oo naman. Ikaw ba?"
"Oo. Nung isang linggo pa."
"Excited ka Ky? Haha. Teka bat wala kang dadalhin gamit kundi yang gadgets mo?"
"Baka sa bahay namin gaganapin di ba?"
"Oh sorry naman. Galit agad?"
"Haha, Tara na nga!"
Tinulungan nya ako sa buhat kong bag. Hinayaan ko na sya dahil wala naman syang bitbit na gamit kundi backpack nya. Ako na ang nagLock sa pintuan ng kwarto namin. Oh well, see you on Monday.
Naglalakad na kami papuntang elevator ng makasabay namin sila Shin na pababa na rin. Kasama din sila sa ininvite ng ate ni Ky. Sabagay, mga business man din pala magulang nitong mga ito.
BINABASA MO ANG
the Unexpected You (Accidentally in Love) ON HOLD
Teen FictionYung taong hindi mo sukat akalain na syang makakapabilis ng tibok sa puso mo sa tuwing nakakasalubong mo sya, Yung taong di mo sinasadyang sungitan pero gustong gusto mo dahil gusto mo sayo lang atensyon nya, At yung taong nakakapagpatalon ng puso m...