Peach Zchie's POV
Di ko namalayan na nakatulog ako, 7:30 na ng magising ako dahil sa sikat ng araw mula sa pintuan ng veranda. Di ko pala naisara yung kurtina kagabi. Pagkagising ko, wala pa rin si Aoi. Di ata umuwi kagabi. Pero san naman kaya yun nagpunta? Hmm..
Tumayo na ako at nagasikaso, opening ceremony ngayon at big day para sa mga bagong salta sa main campus. Maraming activities sa mga Frosh at sa mga transferee. Agad agad naman akong nagmadali pababa, mag-9 na ako natapos magasikaso. Pagdating ko sa baba, maraming tao na agad ang sumalubong sakin. Naglakad lang ako papuntang central park kung saan nandoon yung mga DIY booths ng iba't ibang orgs. Malapit na sana ako ng biglang may tumawag sakin,
"Ahh, Excuse me!!"
Lumingon ako, isang babaeng may malaking sombrero at nakashades ang lumapit sa akin. Nagulat ako kasi ang puti nya. Hindi yung tipong lumaklak ng Gluta ang puti. Natural na puti na para bang alaga sa Lotion ang kutis, kakaInggit *T.T*
"Yes po?"
"Pasensya na sa abala ah? Pero san ba ang papuntang canteen dito sa school nyo? Naliligaw kasi ako."
"Wala po yun, ahh diretsohin nyo lang po tong daan na to. Malalagpasan nyo pa po yung Swimming gym. Tapos po Central Park na."
"Ahh ganun ba? Nako salamat ah. May hinahanap kasi ako. Salamat talaga."
"Nako wala po yun. Natutuwa ako at nakatulong ako."
Nginitian nya lang ako sabay tango ng ulo. Umalis na rin ako pagkaalis ni ateng nakasombrero. Pamilyar yung mukha nya, di ko lang alam kung san ko sya nakita. Anyway, makabili na nga muna ng makakain.
Hotdog bun + Large Iced tea = Busolve haha. Pagkatapos kong kumain agad naman din akong pumunta sa Central Park. Pagdating na pagdating ko, hangin na amoy pang mandirigma lang naman ang sumalubong. Di mo mawari yung amoy. Pisti
"Hello Guys, sana sumali kayo sa Artsy Art Club!! Siguradong lalabas pagiging creative nyo dito."
"Please Join the Crying Out Loud club. We do have seminars and fun activities for actors wannabe in the future."
Hi Guys and Girls! We are the Pastry Chefie Org. Join us if you want to learn how to bake and design every bread you'll make!!"
Daming humaharang sakin sabay abot ng flyers. Ang daming org. as in MADAMI.
=========================================
Kylish Zchie POV
Pagdating ko sa school, nagsisimula na yung ceremony. Ang daming estudyante na may kanya kanyang flyers na nanghaharang ng kapwa estudyante. Agad kong hinanap yung booth namin. Patakbo na sana ako sa Central Park ng biglang hinigit yung braso ko ng ate ko.
"Teka, san ka pupunta?"
"Sa booth namin ate, bakit ? Ate, Late na ako oh!"
BINABASA MO ANG
the Unexpected You (Accidentally in Love) ON HOLD
Ficção AdolescenteYung taong hindi mo sukat akalain na syang makakapabilis ng tibok sa puso mo sa tuwing nakakasalubong mo sya, Yung taong di mo sinasadyang sungitan pero gustong gusto mo dahil gusto mo sayo lang atensyon nya, At yung taong nakakapagpatalon ng puso m...