Chapter 26: Surprise

44 1 0
                                    

Kylish Aoi's POV

Pagkasara ko ng pinto, nahiga ulit ako sa kama at pumikit. Sa totoo lang ayokong umattend pa sa party. Kaso ayoko namang sumama loob sakin ni ate Lidej. Sya ang tanging taong naintindihan ako. Hayy..



'1 new message' nagulat ako ng biglang nagvibrate phone ko.



'Message from She'



"Okay ka lang ba?"



"Ayos lang naman ako. Bakit mo naman natanong?"



"Nakita kitang umiiyak kanina, paglabas mo ng library."



Natigilan ako, nakita ako ni She? Hayyy ayoko pa namang may makakakitang iba sakin umiyak.



"Ahh.. eh-ehh yun b-ba? Wala yun."



"Weh? Sa itsura mo kanina alam kong hindi."



"So manghuhula ka na ngayon?"



"Ang sungit mo! Bahala ka nga dyan!."



"Haha, joke lang."





Di ko napansin na nakangiti na ako. Ohh She, hay no no no. Ngiti lang to. Walang halong malisya.



'Weh? Naku nako Aoi.'



'Ano na naman? Ngiti lang to.'



'DON'T ME.'



Di pwede, alam kong hindi pwede.



Hindi na sya nagreply sa text ko. Patay, naasar ata. Delay ba yun at ang bilis maasar? Tsk.

Tumayo na ako naligo, malapit nang mag 5:30. Sabi ko kay ate kanina aattend ako. Pero di ko sinabing saktong 5 eh nandun na ako. Tinatamad ako.



Saktong 5:10 tapos na ako maligo ng biglang nagVibrate ulit phone ko.

'1 new message'

Agad agad kong binuksan, si ate Lidej.



'Kapatid kong maganda este gwapo, kung maari lang UTANG SA LABAS nasaan ka na ba? Nakatulog ka na naman ba? Jusmiyo kang bata ka. Kailangan mong bumaba at nagaannounce ng kani kanilang representative."



'Pababa na ako.'

Nakaflat yung buhok ko ngayon, mukhang clean cut kahit hindi. Mas lalo akong nagmumukhang koreano sa itsura ko kesa hapon =.= kamukhang kamukha ko daw si mama. Pero may halong feature ni papa. Madalas na akong napagkakamalang kapatid ni papa dati pa. Ever since na maliit ako, JR daw ako ni Papa at Mama. Dahil sa aming magkakaptid, ako ang pinakakamukha nilang dalawa.



Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko pagkatapos kong suotin yung coat ko. Eto ang unang pagkakataon matapos ang 18 years na pagtatago nila sakin. Oo, 18 years akong itinago sa ibang tao sa takot na patayin ako. Dahil isa ako sa magmamana ng lahat ng ari-arian at negosyo nila Papa at Mama. Maraming gustong umangkin sa kayamanan ng Gazaga lalong lalo na sa kayamanan ng Mizushima, side nila Mama.



*Mizushima means "mizu" -water , "shima" -island

Paglabas ko ng kwarto, napansin kong nakaAwang na yung pintuan ni She. Nauna na sya sa akin bumaba. Di man lang nagintay =.=



Pagbaba ko, sinalubong ako ni manang Lucy na naka simpleng dress din na bagay na bagay sa kanya. Pagkakitang pagkakita nila sa akin, bakas sa kanilang nilang mata ang pagkagulat.

the Unexpected You (Accidentally in Love) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon