Naranasan mo na bang magmahal?
Masaktan?
Magpakatanga sa isang taong kahit kailan alam mong hindi magiging iyo?
Magselos kahit wala kayong relasyon?
Naranasan mo na ba ang lahat nang yan kahit pa crush mo lang sya at wala kang pag asa sa kaniya?
Kung ako ang tatanungin kulang pa yan sa lahat ng mga ginawa kong pagpapakatanga!
Nagpakabaliw, nagbabakasakali, umasa at higit sa lahat nag aksaya ng oras sa taong wala man lang pagpapahalaga sa mga bagay na ginawa ko para sa kanya!
I dont even understand kung bakit ganyan si mapaglarong TADHANA!!
Gusto ata durugin muna ang puso bago ibigay ang kaligayahang hinahangad ;(
Hay naku! Pag ibig nga naman!
--------------JENNY.
"Nakuh! Miyerkules pa pala ngayon akala ko sabado na nakakatamad pumasok parang ayaw akong bitawan ng mga unan at para akong nakatali sa malambot kong kama pwede bang absent muna?" reklamo ko sa umaga habang nakahiga parin.
"Jenny Campos dela Cruz! Bumangon kana baka gusto mo paliguan kita ng kumukulong tubig! Aga- aga mong matulog ang tagal mong gumising!" nakakagulat na sigaw ng panganay kong sisteret.
Agad akong napatayo sa sobrang gulat laki kasi ng bunganga ng ate kong yun akala mo lalamunin kana. "Opo ate kanina pa po ako gising nag eexercise lang ako sandali syempre healthy lifestyle ipairal diba?" palusot ko sa kaniya nakakatakot kasi sya kung magalit .
Pero kahit ganun yun malaki ang utang na loob ko sa kaniya sya nalang kasi ang nagtitiis mag alaga sakin dito sa Maynila kasi ang iba kong kapatid pati narin sila mama at papa ay nagsiuwian na sa province namin para doon manirahan. Ako nalang ang hinihintay tatapusin ko lang naman ang first grading tapos doon na ako magpatuloy hanggang makatapos ng third year high school baka dun narin ako maggagraduate.
Agad akong pumunta ng cr para maligo ilang beses narin naman kasi akong na late mamaya bigyan pa ako ng detensyon nito.Hindi narin ako nag almusal 15 minutes nalang kasi kaya umalis na agad ako ayoko ko kayang makasuot ng kwintas na may pendant na karton at may nakalagay na "HUWAG NIYO AKONG TULARAN TAMAD AKO" kaw ba susuutin mo yan ng whole day habang magpalibotlibot ka sa buong paaralan diba kahit sino naman walang may gusto? Ganyan kasi ang parusa samin kung anong kasalanan mo yun ang ilalagay sa leeg mo, oh diba malupit?? Kaya sa ayaw at sa gusto mo gigising ka ng maaga wag lang malate.
-------------
Pag sinisuwerte ka nga naman wala pa si Ms. Patayon ang science teacher namin nakakapanindig balahibo yun kung magalit apelyedo pa nga lang nakakamatay na.
Ilang sandali pumasok rin siya "Good morning Ms. Patayon!" bati namin sa kaniya. And as usual nakasalubong na naman ang kilay nya umagang umaga pa lang "Ok class get one half length wise of paper we will have a long quiz today" shetters napanganga nalang kaming lahat sino ba naman mag aakalang ito agad ang bubungad sayo sa umaga hindi pa naman ako nakapag review kasi nakatulog ako ng maaga.Bahala na si darna.
[Uwian time...]
Naglalakad ako pauwi malapit lang naman kasi ang bahay namin sa school. "Hai Jenny my malunggay" pang aasar ni Mark sakin. "Anong malunggay tingin mo sa mukha ko pang tinola?" sabi ko naman sa kanya. Tumawa lang siya akala mo naman nakakatuwa. "Hindi sa ganda mong yan pang tinola? Malunggay ka kasi nasayo na lahat ng sustansya hindi na kailangan ng iba kaya nga wonder gulay diba?". Naku may paentry entry pa syang nalalaman. " Sagutin mo na kasi ako alam ko rin naman na gusto mo rin ako"pag mamakaawa nya sakin. " Ilang beses ko bang sabihin sayo na tall dark and handsome ang type ko hindi mo katulad gwapo ka lang wala ka namang height" pang iinis ko sa kanya para lubayan na nya ako. "Talaga lang ha?! Balang araw magugustuhan mo rin ako alam ko naman nagpapakipot ka lang sakin eh!" pagmamayabang niya. "Oo nga no, malay mo magkagusto nga ako sayo. Pero alam mo advice ko lang uminom ka muna ng isang galon ng cherifer promise papakasalan pa kita" pang iinis ko sa kaniya sabay tawa ng malakas. "Magsisisi karin kung bakit hindi mo sinagot" sabi nya sabay alis. Aba may pa walk out walk out pa syang nalalaman ha. Ako magsisisi? Mangarap sya ng gising. Makauwi na nga panira ng araw.
Pagdating ko sa bahay agad akong kumain at nagreview one week nalang kasi first quarter examination na namin. "Jenny wag kang matulog dyan mag review ka tatamad tamad kana naman". As usual nakakagulat na naman na sigaw ng ate ko. " Yeah ate dont worry nagrereview naman ako eh" sabi ko naman. " Umaayos ka ha". Nakuh parang wala atang tiwala sakin. Syempre noh magrereview ako nakakahiya naman sa kanila may pinanghahawakan kasi silang cum laude lahat. Anim kaming magkakapatid at lahat sila may cum laude nang magtapos ng college kaya nga nakakapressure sakin bilang bunso.

BINABASA MO ANG
CRUSH INTO TRASH
Storie d'amoreCrush meron lang akong gustong sabihin. Ako nga pala ang taong nangangarap na ika'y maging akin. Ako rin ang taong naniniwalang pagmamay ari kita at pilit kang inaangkin. Ako rin pala ang taong kaya mong pakiligin kahit man lang sa mga simpleng pagt...