CHAPTER 1

2.7K 45 4
                                    

"Waaaaaaaaah!, Omg! Tanghali na pala late na naman ako" sabi ni Sammy dahil tanghali na ito nagising at may pasok pa siya.

Nagmamadali siyang pumasok at ng makarating sa kanilang classroom ay nandun na ang mga kaklase at ang teacher nila.

"Miss Cordero bakit late ka na pumasok?" Bati sa kaniya ng teacher nilang napakasungit.

"Ma'am alam ko po kung bakit late yan si Sammy. Siguro po ay nanaginip na naman tungkol sa prince charming daw niya" sabi ng best friend niya na si Kia habang tumatawa.

Hindi na ito pinansin ng teacher nila at pinapasok na lang si Sammy.

Dahan dahan namang umupo siya sa kanyang upuan.

Habang nagsusulat si Sammy ay bigla na lang may kumalabit sa likod niya. "Oy!" Si Kia pala na best friend niya. "Bakit?" Sabi niya at inirapan ito. "Kwento ka naman about sa inyo ni Prince!" Nagulat si Sammy kasi hindi naman niya alam kung anong sinasabi ng bestfriend niya.

"Ha? Sinong sinasabi mong Prince?" Taka niyang sabi. "Ay! Hahahaha jusko si Prince mo. Prince charming!, Ayiiiieeee" kulit na sabi ni Kia sa kanya. "Hala?! Nakasinghot ka ba?" Natatawang sabi ni Sammy kay Kia.i

Tumuloy na lang sila sa pagsusulat dahil baka bigla na lang silang mahuli ng masungit nila teacher na si Ms. Dimaculangan. (Oo! Dimaculangan hindi dimasobrahan xD)

Sa canteen....
(Sammy's POV)

"Nasaan na kaya siya? Kilala niya kaya ako? Nandito lang kaya siya sa School?" Nasabi ko sa sarili ko. Kumain na lang ako at nag isip isip tungkol sa prince charming ko DAW. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ulit ako sa classroom dahil baka malate na naman ako sa next class ko. Sana naman hindi na ako late nito kasi mukhang maaga pa naman. Pagdating ko sa classroom at wala pa and teacher ko pati na din mga classmates ko. Nilabas ko na lang ang phone ko para tignan kung may nagtext ba. Pero nag-gm na lang ako sa KPOP clan na sinalihan ko. "Hi guys! @School, wala pang class. Text muna? Gm." Nagsend na ito. Nabobored na ako dito. Wala nga pala kaming class ngayon sa Filipino absent pala si ma'am.

End of POV

Nagulat si Sammy ng biglang nag-gm ang founder/welcomer ng clan nila. "Newbie alert! Taehyung 0930******* please do welcome him. Kamsa!"

Di alam ni Sammy kung iwewelcome niya ba ito o Hindi pero dahil sa nasa rules ito ay ginawa na niya. "Welcome :)" text niya sa bagong member. Nainis lang siya kasi di man lang ata ito pinansin ng bagong member.

Natapos na ang vacant nila at dumating na ang panot nilang teacher sa A.P (Araling Panlipunan).

Habang naglelesson ang teacher nilang panot ay hindi pa din tumigil si Sammy sa pagtetext (feeling boss eh xD). "Hi :)" dilat ang mata niya ng mabasa ang text ng new member nila sa clan. "Omg! Nagtext na siya!" nasabi niya sa isip niya. Nagulat ang best friend niya sa kanya kasi bigla na lang niya itong nahampas. May pagkamaharot din tong si Sammy haha.

Love DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon