Chapter 2

8 1 0
                                        

Waaaaah! Di niya ako pinansin! Binunggo niya pa nga ako eh. Hindi man lang nagsorry? What happened to you, Josh Fortuna?

------------------------------------------------------------

Umuwi na rin kami.

Si Dianne, umuwing blooming.

Si Jade, umuwing gutom.

Si Clare, umuwing malungkot kase dumaan kami sa mall at may nakita siyang Rilakkuma bear plushie, kaso wala siyang pera (at kahit kami wala rin, window shopping lang) kaya di niya nabili. Aww, bes.

Ako? Umuwing nagtataka.

Nagtataka ako kay Josh. Nung 3rd year naman kami, di siya ganyan. Lagi pa nga kaming magkausap eh. Kaso nung summer, nawalan ng communication kase sa pagkakaalam ko, pumunta siya ng Italy kase binisita niya ang grandparents niya, kaya hindi siya nakakapagtext.

Eto pa nga yung huli niyang text sakin eh,

'From: Josh

Goodnight Ara! Sleep well okay? Hindi na kita matetext bukas kasi nasa Italy na ako, di ko rin alam kung kelan ako magoonline sa Facebook at Skype.

I'm sorry I have to do this. I'm gonna miss you. Bye.

April 1, 20** 11:51pm'

April 1 pa yung huli niyang text, tapos ngayon, June 8 na? Hay Josh.

Sa Facebook, di ko naman siya naabutan magonline, pero ang sabi ni Luke nakakamusta niya naman si Josh. Ba't ganun? May problema ba Facebook ko?

Sa Skype, in-unfriend niya siguro ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Kinalimutan niya na ba talaga ako?

Two months niyang stay sa Italy, imposibleng wala siyang makitang babaeng MAS sa akin. Mas maganda, mas matalino, mas sexy, mas worth it.

STOP KIARA! Naiiyak na ako! Sinadya niya ba 'to? Sinadya niya bang kalimutan ako? Sinadya niya bang pumunta ng Italy?

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Bakit bigla siyang naging ganyan? Wala namang kayang sumira sa amin eh. Yes, you've read it right. Wala. As in wala. Merong ibang naghahangad na sirain kami kagaya ng admirers ni Josh, pero hindi sila nagtatagumpay.

Wala naman akong matandaan na sobrang ayaw sakin para kay Jo-- No, wait. Yung mom ni Josh. Ayaw niya sa akin! Di ko rin alam kung bakit pero, alam kong ayaw sakin ng mom niya.

"Kiara! Pahiram akong gunting." Sabi ni Kim, pinsan ko. Siya lang kasama ko sa bahay eh, since parehong nasa abroad ang parents namin. Third year palang yan, kaso sa ibang school siya nag-aaral, di sa National Academy.

"Hala, wala akong gunting. Nung summer wala na yun eh, di ko na nakita."

"Hay nako, Kia! Burara ka forever."

"Malay mo, pinahiram ko lang sa kaklase ko tapos di na binalik. Hindi naman ako burara eh!"

"Oo na. Ay Kia, diba may klase kayo kanina? Ano? Nakita mo na ba yung ka MU mong si Josh? Ayiiie kilig!"

"Tumahimik ka nga Kim. Epal mo ah"

Ayoko na siyang pag-usapan. Kinalimutan niya ako? Fine! Kakalimutan ko na rin siya!

Kumain na ako ng lunch. What to do today? Shopping? No. Mall? Mo money. Movie marathon? Yes!

Wala daw si Dianne eh, nagdate sila ni Luke. Naiinggit ako sakanila!

Si Jade at Clare na lang. Ma-text nga.

'Compose Message

To: Jade, Clare

Who's up for a movie marathon?'

*bzzzt bzzzt*

'From: Jade

Birthday ng pinsan ko, Kia! May party siya tapos nirequest niya akong pumunta. Next time nalang. Sorry! xx'

*bzzzt bzzzt*

'From: Clare

I'm up bes! I'll be there in 15 mins. Yey!!"'

"Ikaw Kim? Movie mara tayo?"

"Aalis ako eh. You know, I need to buy a new bag and school supplies. Uuwi ako ng 6 pm okay?"

"Okay, take care."

Pustahan, gagala lang din yan si Kim. Binigyan ng allowance ni tita eh. Lucky cousin.

------------------------------------------------------------

15 minutes have passed and wala parin si Clare. Ano nangyari sa babaeng yun?

'Compose Message

To: Clare

Bes, nasaan ka na?'

*bzzzt bzzzt*

'From: Clare

Can't come bes! Nagka emergency sa bahay. Sorry!'

'Compose Message

To: Clare

It's okay bes. Stay safe!'

I guess it will just be me and the movie. Sigh.

------------------------------------------------------------

6 pm na, at sa loob ng 4 and a half hours, maybe? Natapos ko ang trilogy ng High School Musical. Kaiyak.

Dumating na rin si Kim at napagdesisyonan naming sa labas kumain. Di namin trip magluto eh.

"McDo tayo, Kia!"

"Sige, basta libre mo ah?"

"Oo! RK ako ngayon."

Pumasok na kami sa McDo at, si J-josh. May kasamang babae.

"Babe."

------------------------------------------------------------

Cliffhanger again! xx

Did You Forget? (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon