Chapter 1: Meet Hailley

87 1 4
                                    

"Ang pag-ibig ay kailangan nang sapat na oras. Kailangan nito ng nakararaan nang pagbibigay at pagtanggap.. Ang pagibig ay ang kasiyahan na nag dudulot ng ngiti sa tao."

- Nabasa ko nanaman sa favorite blog ko. Ang sarap naman kasi magbasa dun

kahit may pasok minsan nagbabasa ako dun.

"Ah... Goodmorning Beautiful lady!" ang sabi ko sa salamin.

" Oy,babae tigilan ang pag-papantasya." sabat naman ni kuya.

"Heh, kuya! First day ko na bukas. I need to be beautiful,wonderful and be worry-free. Kaya wag kang epalogs!" sabi ko nang nakasimangot.

" Kapatid! Ikaw lang si Hailley Ashley Madrigal... Isang babaeng Medyo may itsura naman... Pero parang tomboy! At higit sa lahat 1st year ka palang! Wag kang lumalandi! Kagayahin mo na lang si Sandy. Maganda,mabait,matalino at walang lovelife" nasakatan naman ako dun.

Umalis na lang ako sa kwarto namin at tumuloy sa hapag-kainan.

"Oo nga,buti pa ung bestfriend ko. Maganda etc. At ako? Ang pangit ko! Wala pa akong nagiging boyfriend kasi sabi ni kuya ang pangit ko! :(." sabi ko sa sarili ko.

Nguya lang ako ng nguya at subo-subo ng subo.

Nang maisip ko uli ung nabasa ko "Ang pag-ibig ay kailangan nang sapat na oras"

Sapat na oras? Kelan pa yun dadating? Pag laspag na ang lahat ng lalaki sa mundo?

Nononono! Way! Bakit ba kasi ang pili ng mga lalake ngayon. Psssh. Kasi naman!

Di ba sila kuntento sa mabait at cute na katulad ko? Hee.

Pero on the 2nd thought, naniwala na rin ako dun sa quote na yun. Kailangan lang ng sapat na oras...

"Sapat na orassss." ang sabi ko.

"Sapat na oras para kumain" sumbat nanaman ng makulit kong kuya. >.

"Kuya pwede bumawi? Kanina kulang na lang ipangalandakan mo na ang pangit ko. Ako naman.

Ikaw lang naman si Harry Andrew Madrigal na hindi makuntento sa isang babae. Na ang totoo hindi ka pa tumagal ng isang linggo sa mga relasyon mo at...."

"Hay nako Hailley. Itigil mo na yan. Ang huli lang naman niyan ay cute ako? Di ba?"

" Whatever kuya! Bleeeeh! "

Ganyan kami nang kuya ko. Parang aso't pusa kung magbangayan. Pero ang totoo

ayaw talaga naming masaktan ang isa samin. Eh mahal na mahal ko din kasi si KUYA! ilabshooo!

Oh halaaaaa! Anong oras na 9PM na..... At 1st day ko pa bukas? Panic! PANIC! kailangan wala akong eyebags! Di pwede to. Pano na yan......

------

A/N : Ang weak ko po talaga. Sareeeeh po! Sobrang naguguluhan ako kung ipupursue ko pa ang story na to. Sorry po! :((

~ Dazzle.

My heart is yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon