" Happy Anniversary Love " bati ko habang siya naman ay umiiyak." Akala ko talaga ay nakalimutan mo ! nakakainis ka dahil pina-iyak mo pa ko kaya pala natiis mong hindi tayo magusap buong araw ay dahil dito --- " hindi ko na siya pinatapos dahil hindi ko na mapigilan na hindi siya halikan.
" I love you so much Love and thankyou for being with me , for loving me and for ---- " hindi na niya ko pinatapos at siya naman ang gumanti ng halik
Nasa Rooftop kami ngayon ng Girlfriend kong si Jade habang hinihintay ang paglubog ng araw. Dito ko kasi naisipang gawin ang surprise ko sakanya ngayong 2nd year Anniversary namin.
Nakasandal siya ngayon sa leeg ko habang nakayakap ako sakanya mula sa likod.
" Alam mo ba kung bakit naeexcite ako sa Sunset kahit mas paborito ko ang Sunrise ? " tanong sakin ni Jade
" So , ano nga ba ang dahilan Love ? " tanong ko naman
" Kasi ang Sunset parang Goodbyes parang Happy Ending , Parang tuldok sa isang Talata . Na akala mo dun na nagtatapos ang lahat pero kung walang sunset edi wala ding Sunrise di ba ? na nagsasabing Hello Welcome sa bagong araw , bagong umaga at bagong yugto ng buhay. Tanda ng isang Happy beginning at yung akala mong tuldok ay isa palang hudyat ng panibagong Salita na bubuo sa isang napakagandang talata ". Jade
Hindi ko mapigilang mapatulala sa mga tinuran ni Jade. Tila isang dyosa ng mga makata ang kaharap ko ngayon
" Palakpakan para sa napakagandang Makata . Napakagaling mo binibini :) " at hinampas niya ko bigla sa braso dahil sa pag aakalang inaasar ko lang siya.
" Ano ka ba Love . Seryoso ako . " Jade
"Hindi naman halata Love . Mukhang may balak ka ng palitan ang trono ni Juan Miguel Severo sa pagkamakata e " biro ko naman.
"Pero seryoso Love , ayoko sa ideya ng Goodbyes, ng Happy Ending o ng tuldok na nasa talata ng tula mo " di pa ko tapos ng bigla ay nakatikim nanaman ako ng hampas mula kay jade
" Hindi yun tula . " pasigaw na sabi nito na parang naiinis na bata
" Oo na po. hindi na kung hindi . wag ka na po mainis . Pakiss naman dyan mahal na binibini " at hindi naman niya ko natiis at hinalikan din ako 😊
" Pero hindi nga. Ayoko lang ng ideya. Mas masaya kung walang hanggan , wala kang iniisip na posibleng katapusan , Walang kailangan ng panibagong simula dahil wala naman kailangan matapos. Masaya lang " seryoso kung sabi habang nakatingin sa mga mata ni Jade
" Love , " hinawakan ko ang isang kamay niya at inilabas ang matagal ko ng dapat at gustong ibigay sakanya
" Ms . Jade Tanchinco . Will you ... " hindi na niya ko pinatapos at
" Yes Ms. Glaiza Galura . Obcourse ,I will marry you ! A million times I will marry you :) " at naramdaman ko nanaman ang labi na yun sa labi ko. maraming beses na to pero parang ito ulit ang yung pakiramdam ng unang beses.
_________________
BINABASA MO ANG
Serendipity.
FanfictionLife is a voyage of eternal love and adventures , Goodbyes are not the end . Sunsets and Sunrise .❤️