Jade
" Goodmorning Love " bati niya sakin pagtawag ko
" Goodmorning too Love :) . Get up na para makapagbreakfast na . Okay ? . I love you " kilig na bati ko habang may hinihintay na sabihin niya
" Okay Love . I love you too :) See you later. " at putol na ng usap namin
Sinundo niya ko ngayon dahil sabay kaming papasok sa University. Pareho kaming graduating ngayong taon at last semester na namin ito kaya madalas ay abala kami pareho. Pero hindi sapat na dahilan yun para makalimutan ang isang napakahalagang araw para samin... haay naku Galura !
Dahil sa sama ng loob ko ay hindi ko siya kinausap hindi din ako sumabay sakanya sa pag uwi.
Ayoko pang umuwi kaya pumunta ako sa favorite spot ko dito sa university.
Sa rooftop. Pagkabukas ko ng pinto ay biglang ..." Happy Anniversary Love :) " kasama ng nakakakilig na ngiti at mga puting bulaklak
Sa gitna ay may nakaset na higaan at mga throw pillows at may dalawang antique lampshades na nakapwesto sa magkabilang gilid nito. Marami ding mga rose petals ang nakakalat sa paligid . Magmula sa kinaroroonan ni Glaiza ay May mga pink na lobong tila ba nakahilira patungo sa nakaset na higaan. Bawat lobo ay may nakadikit na picture . Mga wacky , sweet, pati travel adventures namin together at kahit foodtrip ay makikita mo. At nakalagay pa yung date kung kailan nangyari ang mga yun.
Buong akala ko ay nakalimutan niya ang Anniversary namin. Pero heto pala ang plano nya . At hindi siya nabigo dahil talagang nasurprise ako. :)
" At pano mo naman nasiguro na pupunta ako dito " takang tanong ko
" Nakakahiya naman po kung 2years na tayo pero hindi pa kita kilala . Pero patawad magandang binibini subalit kilalang kilala kita . Alam kong dito ang comfort zone mo . Kapag masama ang loob mo at kapag may mga frustrations ka ay dito ka nagpupunta " paliwanag niya
"So kaya ba sinadya mong hindi ako batiin para sumama ang loob ko at siniguro mo na mafrustrate ako at tumakbo dito ?." habang nakataas pa ang isang kilay ko at nakapamewang
" Sorry na , parte kasi yun ng plano para sa surprise na to. Hindi mo ba nagustuhan ? " at nakapout pa siya habang paawang sinasabi yon . Haay Ang cute lang ang sarap halikan
" Naku Naku Galura. Wag mo ako idaan sa mga ganyan mo ha . Ayusin mo yang nguso mo " at baka halikan kita dyan .. sabi ko nalang sa isip ko dahil ayokong mahalata niyang kanina pa ko kinikilig
" So di mo nagustuhan.? Sige bye. uuwi nalang ako " nakayuko siya at nakapout parin. Parang bata haha
" May sinabi ba kong hindi ko nagustuhan ? " at hindi ko na napigil ang kanina pang gustong sumabog sa loob ko
" Well hindi nga. Hindi ko siya gusto. kasi Gustong gusto :) Sobrang sweet Love. " niyakap at hinalikan ng buong pagmamahal
Ngayon ay nakasandal ako sa leeg niya habang yakap yakap niya ko . Hinihintay namin ang paglubog ng araw . Mga sandaling napuno ng Kwentuhan , tawanan at lambingan :)
At habang seryoso ang usapan namin tungkol sa Sunset at Sunrise...
"Pero seryoso Love , ayoko sa ideya ng Goodbyes, ng Happy Ending o ng tuldok na nasa talata ng tula mo "
" Hindi yun tula . " pasigaw na sabi ko sakanya na parang naiinis na bata
" Oo na po. hindi na kung hindi . wag ka na po mainis . Pakiss naman dyan mahal na binibini " at hindi ko naman siya natiis na hindi halikan sa labi 😊
" Pero hindi nga. Ayoko lang ng ideya. Mas masaya kung walang hanggan , wala kang iniisip na posibleng katapusan , Walang kailangan ng panibagong simula dahil wala naman kailangan matapos. Masaya lang " - Glaiza habang nakatingin lang sa mga mata ko at dahan dahang kinuha ang isang kamay ko
"Love .. Ms . Jade Tanchinco . Will you ... " hindi ko na siya pinatapos at
" Yes Ms. Glaiza Galura . Obcourse ,I will marry you ! A million times I will marry you :) " At hinalikan ko ulit siya .
_________________
Yes. they're engaged ! ❤️
BINABASA MO ANG
Serendipity.
FanfictionLife is a voyage of eternal love and adventures , Goodbyes are not the end . Sunsets and Sunrise .❤️