FOUR.

306 17 2
                                    

Glaiza's POV

Halo halong kaba at pananabik ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Na tila ba milyon milyong paru-paru ang nagkakasiyahan sa loob ng tyan ko. Ito na yun Glaiza. Ang araw na pinakahihintay mo. Ito na. paulit ulit na salita ko sa sarili . Narito ako ngayon sa gilid ng altar kasama ang aking ama at ina . Ang aking kapatid na si Alchris at ang bestfriend kong si Batchi.

Bumukas na ang pinto at isa isa ng pumasok ang ring bearer at flower girl na parehong cute. nakakatuwa :)
sunod ang mga abay . habang palapit sila ng palapit ay siya naman dagdag ng bilis ng pagtibok ng puso ko.

Biglang parang literal na tumigil ang mundo ng masilayan ko ang isang napakagandang binibini. Natatakpan man ng belo ang kanyang mukha ay aninag na aninag ko ang kanyang kagandahan. Tila isang dyosang pinababa mula sa langit para lang itakdang makasama ko habang buhay.

Niyakap muna siya ng kanyang Ama at ina bago nila ipatong ang mga kamay nito sa kamay ko.

"Glaiza , Anak alam namin na pakaiingatan at pakamamahalin mo ang aming si Jade . kahit na medyo matigas ang ulo nito alam namin na pagdating sayo ay tumutupi ang kanyang pagka bratinila . kaya sana ay unawain mo siya sa lahat ng pagkakataon ha anak ?" malambing na pakiusap ng mommy ni Jade

" Hinding hinding hindi ako mapapagod na unawain at mahalin si Jade Tita " paniniguradong sagot ko sa mga ito

" Daddy at Mommy nalang Anak " dagdag naman ng daddy ni Jade

Isang ngiti ng pagkagalak at pagsang ayon ang isinagot ko sa mag-asawang Tanchinco.

"Let's go Love ? Excited na si father oh :) " pukaw sakin ni Jade dahil sa sandaling pagkatulala ko .

" Yah. let's go :) You are so beautiful Jade . I love you " haaaay she really is a goddess .

" You too Love , And I love you more " R

Jade's Vow .

" I vow to always love you more everyday. And love you even more tomorrow and forever.  Whether in my next life I will always choose to love you. Our love I know is eternal that nothing can ever break . This love will never fade even by time , it will never forgets . If  ever by chance we may apart , this love will find our way back to each other in any ways possible. I promise to always understand and support you . I promise to be your full caring housewife every morning , sexy chef at lunch and a super clingy Mrs. Galura at night :) Thankyou for loving me unconditionally Love. I love you :)"

Glaiza's Vow.

" Salamat sa napakatagos pusong pangako ng pagmamahal Love :)
Ito ay hindi lamang isang pangako Mahal ko, kundi isang kasiguraduhan na iaalay ko sayo. Na panghabang buhay kitang mamahalin at aalagaan.
Gigising ng halik sayo sa umaga at magpapatulog ng yakap sayo sa gabi.
Makikinig sa lahat ng kwento mo maging ito man ay masaya , malungkot o galit. Mamahalin ang kasungitan at kakulitan mo. Araw araw na magpapaalala sayo kung gano ka kaganda. Well , alam kong alam mo naman yun. but in case , para hindi mo makalimutan Love :) . Sasabayan ka sa lahat ng almusal , tanghalian at hapunan na lilipas sa buhay natin.Ang pagibig ko sayo ay hindi lamang habang buhay kundi hanggang sa walang hanggan. Mahal na Mahal kita Love " .

_____________________

Serendipity.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon