Meet Samantha
Sam's POV
It's so dark. Wala akong makita. Nakakatakot. Naiiyak na rin ako. Nasaan ba ako?
"Hello? Somebody out there?" Sigaw ko sa kawalan. End of the world na ba? Wag naman sana... Gusto ko pa makita yung ka red string ko.
Patuloy lang akong naglakad hanggang sa makakita ako ng liwanag.
Wtf. Patay na ba ako? Grabe. Wala naman akong maalala na namatay ako. Sana hindi brutal yung pagkamatay ko. Plane crash? Wala naman akong matandaan na sumakay ako sa eroplano. Car accident? Nasa warehouse pa yung car ko, kaya hindi ko yun nagagamit. Heart attack? Wala naman akong sakit sa puso ah.
"Mygaaahd! Patay na ko? As in?" I said out loud.
Hindi naman ako mabait. Bakit naman ako kukunin kaagad ni Lord diba?
Naistorbo ako sa pag-iisip nang may narinig akong tumawa. A man's laugh. Kinilabutan ako ng husto. Si Satan ata? I'm not that bad para pumunta sa impyerno, grabeeee!
Unti-unti kong naaninag ang mukha niya. He is so handsome. His perfect jaw, nose, piercing green eyes and those lips. Ugh! Hindi ko akalaing gwapo pala si Satanas.
"Hindi ako si Satanas, Sam. Ako si-
"Kriiiiiiinggggggg! Kriiiiiingggggg!"
It's just a dream.
I opened my eyes. Una kong nakita ang pink kong ceiling and my eyes landed on my alarm clock na hanggang ngayon ay nag-iingay. So, I turned it off.
Umupo ako sa kama. Naalala ko ulit yung panaginip ko. Sign na kaya yun na, malapit na akong mamatay? Siguro ay dapat ko ng sulitin ang natitira kong oras sa mundo. Nakakalungkot lang isipin.
Yung boses nung lalaki. So familiar but I can't reconize his voice. Parang kilala ko na siya dati pa. Sayang lang, hindi ko nalaman kung anong pangalan niya.
Siguro siya na yung soulmate ko? Ang landi talaga ng pag-iisip ko.
Tumayo na ako sa kama at lumabas ng aking kwarto. Agad kong hinanap si mama sa kusina ngunit wala siya doon.
"Ma! Asan ka?" Sigaw ko sa buong bahay. Pero wala akong natanggap na response.
Napatingin ako sa calendar. June 23, Monday. Ay, nasa work pala si mama ngayon. Hindi na ako nasanay. Tuwing weekends lang kasi nakakauwi ng bahay si mama. Kaya, medyo independent din ako.
But wait....
Monday?
Monday ngayon? Shit.
First day ko ngayon. Wth! Ang tanga ko talaga. Inuntog ko ang ulo ko sa pader. Ouch. Masakit ha.
Tumingin ako sa orasan at may natitira pa akong 24 minutes and 32 seconds para makapag ayos.
Kaya agad akong tumakbo sa aking kwarto ngunit nang bubuksan ko na ang pintuan ko ay may tumawag sa pangalan ko. Ang aking bestfriend.
"Saaaaaaaaam, tara na?" Sigaw ni Reez sa akin.
"Wait lang. Na-late ako ng gising. Give me five minutes." Sigaw kong pabalik sa kanya. I can tell that he's irritate. Ayaw niya kasi sa lahat yung pinaghihintay siya.
"Okay, I'll wait. Hurry up, slow poke." Ani naman ni Reez.
Hindi ko na nagawa pang sagutin siya dahil nagmadali na ako. Alam ko namang malakas ako kay Reez kasi we've been friends ever since. And yes, he's my bestfriend.
BINABASA MO ANG
It isn't Love
Teen FictionI loved him so much. He's been my heaven. But he had hurt me so bad. Now, he puts me through hell.