Chapter 3

29 3 5
                                    

The New Girl

Sam's POV

Finally! We're here. Na-excite kaagad ako nang makita ko ang gate ng Western High. Mahahalata mo talaga na isang exclusive school 'to. What I like the most is, it only took us 10 minutes sa byahe.

"Baba ka na. I'll just find some parking." ani ni Reez. I immediately unlocked my seatbelt at lumabas na ng sasakyan niya.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Dapat pala hindi crop top ang sinuot ko ngayon. I'm such an idiot. Ugh!

I studied the place for awhile at nagsimula na akong maglakad papasok. The first thing I saw is mukha ni Reez sa isang napakalaking tarpaulin. He's holding a trophy. Alam ko namang varsity player siya pero I did not know na he's good. Hindi lang pala 'good' kasi yung nakalagay sa tarp is "Reez Dylan, The MVP" magaling pala talaga 'tong mokong na 'to.

"I know, I know, gwapo talaga ako. Asset ako ng Western High 'no." Reez said behind my back. Nagulat ako. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya.

Binatukan ko lang siya in response. "Aray." Angal niya na animo'y sobrang lakas ng batok ko. OA masyado!

"C'mon! Hatid mo na ako sa room ko." Sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya. At doon ko lang narealize na...

Halos lahat ng tao nakatingin sa amin. Ghaaad! As in lahat sila nakatunganga sa amin.

"Uhhh? Why are they staring at us?" tanong ko kay Reez.

"Anong us? Sa akin lang sila nakatingin no." Ani ni Reez. And yes, tama siya. Napagtanto ko na sa kanya lang pala nakatingin. Makikita mo sa mga mata nila yung pagkahumaling kay Reez. Like wtf! Hindi siya artista!

"Grabe. So, ikaw na yung pinaka-pogi sa campus? Yang lagay mo na yan?" Sambit ko na parang hindi makapaniwala.

Agad niya namang kinurot ang pisngi ko at agad akong napa-singhap sa ginawa niya! Napa tingin rin ako sa reaksiyon ng mga tao, mababakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat. Now, I'm getting so curious. Mukhang tama talaga si Reez na may reputation siya sa Western High.

"Bitaw na. Nakatingin sila. Nakakahiya." I said while slapping his hands. Agad naman niyang binitawan ang pisngi ko at ginulo ang buhok ko. UGH!!!

I am fixing my hair when I heard footsteps towards us.

Napatingin ako sa direksiyon ng pinanggalingan 'non. And there I saw 3 boys and 2 girls approaching us.

"Bro, what took you so long?" ani ng lalaking blonde ang buhok. He's cute. I'm not denying it. Mahahalata mo agad na may lahi 'tong Chinese because of his eyes.

"Hinintay ko pa kasi 'to, ang tagal kasi." Reez replied while pointing at me. "By the way, guys, this is Sam. Sam, these are my friends. Patrick, Nate, Justin, Mia and Amara." dagdag pa ni Reez.

The girls smiled at me so I also smiled in response.

"Hi Sam, I'm Patrick!" Inabot niya ang kamay niya para sana makipag shakehands sakin pero hinampas lang ito ni Reez.

"No touching for you, Patrick." pabirong sabi ni Reez kay Patrick.

"Grabe ka bro! Di mo naman sinabi na maganda pala bestfriend mo." Patrick said while eyeing me from head to toe sabay kindat. I felt uncomfortable bigla.

"Loko ka talaga, sorry Sam. Ganyan kamanyak 'yang si Pat e." sumingit naman si Nate sa usapan.

"Oo nga, masasanay ka din diyan." Dagdag din ni Amara.

Nagtawanan lang kami bigla then suddenly we heard the bell ringing, signalling us na mags-start na ang klase. Agad agad kaming dumiretso sa kanya-kanya naming rooms. Nalaman ko din na classmates ko silang lahat maliban lang kay Justin at Mia na grade 12 na parehas.

So far naman mukhang friendly silang lahat. Hindi mahirap pakisamahan. I bid Justin and Mia good bye when they entered their rooms.

Habang kaming lima naman, patuloy lang na naglalakad. Hindi ko pa rin gets kung bakit ang daming nakatingin sa amin until now. And napapansin ko kung saan sila halos nakatingin. Sa kamay namin ni Reez na magkahawak.

Whaaat? No malice yon 'no. He's just like that to me ever since. Masasabi kong touchy talaga si Reez pero I'm okay with that.  Malisyoso't malisyosa na talaga mga tao ngayon.

"Girlfriend ba 'yan ni Reez?"
"Ang swerte niya!"
"Fling lang 'yan for sure."

Ilan lang iyan sa mga bulong-bulungan na naririnig ko.

"Oh God! Really, Reez?" bulong ko din kay Reez. Ayaw ko kasi na pinag-uusapan ako. Well, I know na Reez is handsome but I did not know na popular pala talaga 'tong bestfriend ko.

"Just don't mind 'em." Bagot na sambit ni Reez sa akin.

Nakarating na kami sa dulo ng hallway, at sa tingin ko. Ito na ang room namin.

"Tara na guys!" Sigaw ni Nate sa amin at sunod-sunod na silang nagpasukan.

"You alright?" tanong ni Reez nang mapansin niya na binitawan ko ang kamay niya. I just nodded and smiled at him.

Before I enter the room, tinignan kong muli ang mga tao. I just hope na this year turns well despite of the death glares they're throwing at me.

----

hiiii! after 2 years. ngayon lang nakapag ud HAHAHAHAHAHAHA






It isn't LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon