I'm not his girlfriend
Sam's POV
I eyed the whole room immediately. They're all whispering. Here we go again ughhh. Hindi ko na lang sila pinansin at agad akong naghanap ng vacant seat. Nakapwesto na sina Reez, pero meron ng nakaupo sa katabi niya so I decided to seat sa likod ni Mia kasi iyon na lang ang bakanteng upuan malapit sa kanila.
I was supposed to seat when I noticed na may bag na itim sa upuan. Napatingin ako sa lalaking sa tingin ko ay nagmamay-ari nung bag. May nakasalampak na earphones sa tenga niya, I think he's taking a nap? Una kong napansin ang nakapikit na mapupungay niyang mata. He's got perfect eyebrows, matangos din ang ilong. Maputi siya at masasabi kong lagi 'tong tambay sa gym because of his broad shoulders.
Ayoko sana siyang gisingin pero ayoko rin naman na basta basta pakialaman ang gamit niya so tinapik ko siya sa balikat.
No response.
Tinapik ko ulit. This time, harder.
But still no response.
"Uh, excuse me." Minabuti ko nang magsalita kasi mukhang 'di ata siya magigising sa patapik tapik lang.
I saw him opened his eyes. And wow, his eyes are mesmerizing. Pero unti-unting kumunot ang noo niya. Yay, nainis ata siya sa'kin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko, and said "H-hi dito sana ako uupo. Pero nakalagay yung bag mo." nags-stutter pa ako sa harap niya! Gosh.
Nakatingin lang siya sa akin with no expression written on his face. Anong problema nito? Baka nainis talaga kasi ginising ko siya. Pero duh, may klase na rin kami 'no.
And then, he slowly put his bag underneath his chair. I can clearly see a scowl on his face while looking at me. Nakakainis siya, i findi him pogi pa naman pero parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang awra niya.
"Thanks!" nakangiti kong sabi sa kanya. Kahit na deep inside gusto ko na siyang irapan!
Napatingin sa akin si Reez, "okay ka lang?" he mouthed at me. Nag thumbs up lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako mapakali kasi itong lalaki-na-kala-mo-pinagbagsakan-ng-heaven-and-earth ramdam ko yung titig niya hanggang ngayon.
Buti na lang dumating na 'yung prof namin. Thank God! Feeling ko kasi malulusaw ako sa titig niya.
"So to start our day, I'd like to acknowledge our transferees!" panimulang bati sa amin ng prof. "Mayroon tayong tatlong newbies sa Western High. Kindly introduce yourself please." Dagdag pa nito na diretsong nakatingin sa akin.
What? I thought tatlo kaming transferee, bakit ako una magpapakilala?
"Go na, Sam!" sigaw bigla ni Nate. Kaya napatingin ang lahat sa akin.
Well, no choice na ako. Kaya naman tumayo na ako at humarap sa buong klase.
"Hi I a-----------" naputol ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Mr. Sungit! Anong trip nito?
"I am Cole Sprouse." pagpapakilala niya at mabilis na umupo.
Dahil doon, nagtawanan ang buong klase. Nanatili naman akong nakatayo.
Did that just happen????
Napahiya ako. Pinahiya niya ako. Okay, transferee din siya pero 'di ba siya tinuruan ng manners! Is this his way of revenge kasi ginising ko siya sa pagkakatulog niya kanina. Ang babaw niya.
BINABASA MO ANG
It isn't Love
Teen FictionI loved him so much. He's been my heaven. But he had hurt me so bad. Now, he puts me through hell.