Stephanie
Nagising si Stephanie dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa gilid ng lamesa niya. She remembered she set her alarm because she needs to wake up early today but now that it's making a noise, all she wanted to do is to regret putting her alarm on. Impit siyang napaungol at itinakip ang unan sa ulo upang ignorahin ang maingay na tunog ng orasan niya.
Hindi naman nawala ang nakakairitang ingay ng alarm niya na boses ng bestfriend niya na mismong naglagay ng tunog na iyon para tiyak na babangon siya. Her pillow wasn't able to stop her voice from going to her ears.
"Five minutes pa, please? Gusto ko pang matulog..." usal niya na para bang naiintindihan siya ng alarm clock niya. She wanted to sleep more because she wasn't able to have a decent sleep the past days, maybe weeks. Sobrang abala siya ngayon sa paggawa ng iba't ibang mga cakes, cupcakes, cookies at desserts para sa bakeshop nila ng bestfriend niyang si Cristine. Dalawang taon na rin ang negosyo nila at kahit na matatawag na start-up pa ang business nila, marami na ang nakakakilala sa negosyo nilang iyon. Marami na ang orders na natatanggap nila, at dumarami na rin ang mga repeat customers nila.
She was so ready to sleep more when she heard a knock from her door. Tuluyan na siyang napasimangot nang lingunin ang pinto ng kwarto niya.
"Stephanie, hija? Bumangon ka na at baka ma-late ka pa,," narinig niya ang tinig ni Nanay Melda mula sa labas ng pinto. Gusto pa talaga sana niyang manatili sa kama at ipahinga ang katawan ngunit wala na rin siyang nagawa kung hindi ang bumangon. Matalim ang tingin niya sa cellphone na nasa may itaas ng maliit na cabinet niya at pinatay na iyon para mawala ang nakakairitang tunog.
Mabilis niyang ipinusod ang buhok at pinagbuksan ang matanda na nasa labas ng kwarto niya. Agad naman niyang nakita na nakangiti ito sa kaniya. "Good morning po," bati ni Stephanie sa matandang halos naging ina na niya na simula ng maulila sa mga magulang.
"Magandang umaga rin naman, hija. Mukhang puyat ka at nanlalalim ang mga mata mo," kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan ang mga mata niya. Ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito dahil tuwing gabi ay ito rin naman ang sumasalubong sa kaniya kapag umuuwi siya.
"Napuyat lang po dahil may ginagawa kaming mga bagong cake ni Cristine," she smiled at her and walked back inside her room. Sumunod naman din ito sa kaniya at dumiretso sa kama niya upang ayusin ito.
"Ako na po ang mag-aayos niyan, Nanay Melda," awat niya sa matanda na mabilis niya ring nilapitan ngunit iniwas ang kamay upang hindi niya mahawakan. Napasimangot naman siya sa ginawa nito pero alam niya naman din na hindi niya mapipigilan ito sa gusto nitong gawin.
"Kuuu! Ako na rito, maligo ka na at Linggo ngayon, hinihintay ka na ng Lolo mo at sabay raw kayong magsisimba. Alam mo namang ayaw ng matandang iyon na nagsisimba na hindi ka kasama," ani Nanay Melda na nakangiti sa kaniya. Ipinagpatuloy nito ang pag-aayos ng hinigaan niya at hindi na siya pinansin kaya naman tumango na lang din siya rito.
Lihim niyang kinastigo ang sarili sa isipan. Linggo nga pala ng araw na iyon at nangako siya kay Lolo Rafael na sabay silang magsisimbang dalawa.
Kinuha niya ang gamit at nagtungo na rin kaagad sa banyo upang mag-ayos ng sarili.
Labing-anim na taon na rin siyang naninirahan sa mansion kasama sina Lolo Rafael, Nanay Melda at ang iba pang kasambahay roon. She was three years old when her biological father died and she was six years old when her mother drowned from saving her and eventually died, too. Naiwan siyang mag-isa at ulila sa magulang.
Aminado siyang maswerte siyang inampon siya ni Lolo Rafael. Ibinigay nito ang lahat sa kaniya, mga bagay na higit pa sa kailangan niya. He treated her like she's his granddaughter, actually. Pinag-aral siya nito sa mamahalin na eskwelahan, binihisan, pinakain. Malaki ang pasasalamat niya sa matanda sa lahat ng ginawa nito sa kaniya kaya naman lahat ng makakapagpasaya sa matanda ay ginagawa niya, kahit pa pagsama rito sa golfing club na hindi niya naman nakahiligan ay ginagawa niya dahil masaya siyang makita ang matanda na masaya.
BINABASA MO ANG
His Bed Warmer Wife
RomanceMula pagkabata pa lamang ay ramdam na ni Stephanie ang galit sa kanya ni Paul Jake, galit na hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling. Hindi nagkulang si Paul Jake sa pagpaparamdam sa kanya na hindi siya kailanman matatanggap nito bilang parte ng...