Paul JakeMabilis ang pagmamaneho niya para makauwi na sa bahay niya. Mabuti na lang din at kahit na ganoon ay wala naman din siyang nalabag na kahit anong traffic laws. Naisip niya na bahala na ang kaibigan niyang si Cupid na bumalik sa opisina n'yo.
What he had in mind right now is to stay away as possible from Stephanie. Hindi siya dapat naaapektuhan ng babae kaya hindi mawala ang inis na nararamdaman niya ngayon.
He should not be nice to her. Mula naman noon, hindi niya na pinapakitaan ng maganda ang babaeng ampon ng lolo niya, at ngayon, kailangan niyang umisip ng paraan kung paano niya ba tuluyang mapapaalis ito sa buhay nilang lahat.
Inis na nilingon niya ang cellphone nang tumunog iyon. Nakita niya ang pangalan ng lolo niya at tila ba mas nainis lang siya nang makita iyon.
Ano naman kaya ang kailangan nito sa kaniya ngayon?
Unwillingly, he answered the phone and put it on speaker. "What is it, grandpa?" he asked, he didn't bother saying hello to him.
"Hello to you, too, PJ. Magpunta ka rito sa mansion ngayon at gusto kitang makausap," mahinahon na sagot sa kaniya ng lolo niya. Mas kumunot ang noo niya dahil doon. Naisip niya rin kung ano ba ang sasabihin nito sa kaniya at ito pa mismo ang tumawag. Kadalasan ay may inuutusan pa ito para tawagan siya kaya naisip niyang baka importante ang kailangan nito sa kaniya.
"I'm pretty busy right now. Some other time, perhaps?" sagot niya sa abuelo. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang umuwi sa condo niya at maligo ng malamig na tubig.
"We need to talk now, PJ. This is about your request."
He hit the brake when he said those things. Kinuha niya ang cellphone at mahigpit na hinawakan iyon. If he said it was about his request, it means it's about his dad's company.
"PJ, apo?" untag ng lolo niya nang hindi siya sumagot ng ilang segundo.
He cleared his throat before looking at the phone. "I am still here."
"Good, then. You heard what I said, apo. Magpunta ka rito nang mapag-usapan natin ang kailangan mo. I will wait for you," sabi nito bago walang sabi na ibinaba na ang tawag.
Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari ngayon. Nakapagdesisyon na ba ang lolo niya? Naliwanagan na ba ito ngayon na mas mahalaga ang pamilya nito kaysa sa ampon nito?
He shook his head with a smirk on his face. Nagpunta na lang siya sa malapit na gas station para makapagpalit ng damit. Mabuti na lang din at palagi siyang may dala na extra na damit sa sasakyan niya. Matapos siyang makapagpalit ay nagmaneho na rin siya papunta sa mansion ng lolo niya para malaman kung ano ba ang sinasabi nito. Kung ano ba ang plano nito o kapalit ng tulong nito.
Pagpasok pa lang ng sasakyan niya sa tarangkahan ay nakita niya na kaagad ang lolo niya na nakaupo sa lanai. Nakita naman din siya nito at sinenyasan na lumapit dito nang makalabas siya ng sasakyan.
"Sit down, PJ," he gestured his hand towards the wooden chair across him. Sumunod naman siya sa sinabi nito at muling nilingon ang abuelo.
"What were you talking about earlier?" tanong niya kaagad dito.
Ngumiti naman ang lolo niya at sumimsim sa tsaa na naroon. "Hindi tayo masyadong nakapagkumustahan, PJ. You left immediately," sabi nito sa kaniya.
"I have to go to the office so they'd know that I am here," he replied and looked around. Hindi rin siya nakapaglibot sa mansion nang dumating siya. Walang pinagbago ang lugar na iyon maliban sa mas mayabong na mga halaman na na naroon.
BINABASA MO ANG
His Bed Warmer Wife
RomanceMula pagkabata pa lamang ay ramdam na ni Stephanie ang galit sa kanya ni Paul Jake, galit na hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling. Hindi nagkulang si Paul Jake sa pagpaparamdam sa kanya na hindi siya kailanman matatanggap nito bilang parte ng...