07

905K 11.6K 843
                                    

Stephanie

"Oh my gosh, Steph!" Malaki ang ngiti ni Cristine habang nakatingin sa kaniya. Bakas na bakas ang saya sa mukha nito. "Si Thunder na lang ang kulang at buo na ulit 'yung apat na magkakaibigan," sabi pa nito habang nakatanaw sa tatlong lalaking nakaupo.

Maging siya ay napatingin din sa kinaroroonan nila Paul Jake, Blue at ang bagong dating na si Cupid. Aminin man niya o hindi, masaya rin siyang nakikitang magkakasama na muli ang magkakaibigan.

Tiyak naman niyang nagkikita ang mga ito sa trabaho pero simula naman ng sa Singapore nag-opisina sina Thunder at Paul Jake at naiwan si Blue at Cupid sa Pilipinas, mas naging malimit ang personal na pagkikita ng mga ito.

"It's nice to see them all together," komento naman niya bago ibinalik ang tingin sa inaayos sa may counter.

"Ikaw lang pala ang magiging dahilan para mabuo sila, e," sabi pa ni Cristine sa kaniya habang nakatingin. "And did you saw Cupid, the love of my life?" Cristine smiled wickedly. Parang gusto niyang tayuan ng balahibo sa pagkakangiti ng kaibigan niya. "Ang guwapo niya talaga, ano?" she said, still daydreaming.

Hindi niya maiwasan na hindi mapailing habang nakatingin sa kaibigan niya. Kahit ilang beses na niya itong sinabihan tungkol kay Cupid ay parang bingi ito sa bagay na iyon.

Cupid is such a playboy. Pinandigan ng lalaking iyon ang role ni Cupid na namamana ng mga babae para ma-in love.

He will lead them on with his smile, chinky eyes and his humor and he will dump them. College pa lang sila ay gano'n na ang ugali ng lalaki at ilang beses naman na niyang sinabi iyon kay Cristine pero tila balewala iyon sa kaibigan niya.

"Alam mo, you should stop that illusion, Cristine," sabi niyang muli sa kaibigan na sinimangutan naman siya. "Obviously, hindi titino si Cupid. He will keep on playing around and you could end up getting hurt," aniya rito.

Kaibigan niya si Cupid pero kaibigan niya rin si Cristine at mas may chance pang mapigilan niya si Cristine kaysa masabihan niya si Cupid na magbago.

"Steph," she held her hand and smiled at her. "Titino kasi talaga siya kapag kami na," sabi nito na sinundan pa iyon ng pagtawa. Napailing na lang siya sa kaibigan niya.

"You're hopeless," bulong niya sa babae na nananatiling nakangiti.

"Oo nga pala. What's that deal with PJ?" tila naalala nito ang nangyari sa kanila kanina kaya muli itong bumaling sa kaniya. "Kayo na ba?" tanong nitong muli, para itong isang reporter sa TV na nagtatanong sa artista ng bagong chismis.

Napaiwas naman siya ng tingin sa kaibigan at inayos ang mga papel na naroon sa counter. "A-ano bang kalokohan ang sinasabi mo?" She cleared her throat and started to stack the organized papers on the counter.

"Stephanie Lynn?" hinawakan pa ni Cristine ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay.

She looked at her and sighed. Cristine is her best friend, but she doesn't have any idea how to tell her that she's getting married now... Hindi niya rin alam kung paano niya ba sasabihin dito ang mga nangyari sa kaniya sa mga nakalipas na araw.

"Are you keeping something from me?" pinaliit pa ni Cristine ang mga mata habang nakatingin sa kaniya na para bang sinusuri siya nito. "I know you so well, Stephanie. You're keeping something! What is it?"

She looked around before holding her hand. Tinawag na rin muna niya ang isang staff para tumayo sa counter at hinila ang babae papunta sa office nilang dalawa at isinara ang pinto.

Cristine looked at her and raised her brow. "What is it? Ano'ng secret mo?"

She sighed and rolled her eyes. Wala naman talaga siyang maitatago sa kaibigan niya at hindi naman din magtatagal ay malalaman nito ang nangyayari kaya mabuti na rin na siya na ang magsabi rito ngayon pa lang.

His Bed Warmer WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon