Stephanie
Nagising siya nang maramdaman ang init na tumatama sa pisngi niya kaya marahan siyang nagmulat ng mga mata at sinilip ang bintanang nakahawi ang kurtina kaya naman malayang nakakapasok ang sinag ng araw sa kuwarto niya.
She remembered placing her bed on that spot because of the sun rays that she enjoyed before. Ngayon ay parang gusto niyang pagsisihan ang naging desisyon na iyon. Wala naman na rin siyang oras para maglipat ng mga gamit sa kuwarto niya.
"What time is it?" humihikab na nag-inat na muna siya bago sinilip ang maliit na orasan sa may lamesa niya na regalo pa sa kaniya ni Cristine noon.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas-nueve na pala ng umaga. Tinanghali na naman siya ng gising kaya dali-dali na siyang bumangon at mabilis na inayos ang kama niya dahil kailangan niyang magpunta ng Sweet Desire ng maaga ngayon.
Halos wala siya kahapon buong maghapon doon at si Cristine lang ang namahala sa shop kaya naman naisip niyang bumawi sa babae at siya naman ang mananatili sa shop nilang dalawa. Pareho lang sila ni Cristine na may-ari ng shop at alam niyang may responsibilidad din siya sa negosyo nilang magkaibigan.
"Bakit hindi ako ginising ni Nanay Melda?" napasimangot na sabi niya bago mabilis na ipinusod lang ang mahabang buhok at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kama niya. Isa iyon sa mga nakagawian na niyang gawin na madalas inaagaw ng matandang katiwala nila sa kaniya dahil mas gusto nitong ito ang nag-aayos ng kama niya sa tuwing ginigising siya nito.
Napalingon siya nang may malaglag mula sa kama at napansin na damit iyon ni Paul Jake. Marahan niyang dinampot iyon at pinagmasdan ang polo nitong nasa mga kamay niya.
He left abruptly last night that he wasn't able to pick up his polo. Hindi naman din alam ni Stephanie kung tumuloy ba ito sa kuwarto nitong nasa tabing kuwarto niya lang o umuwi ito sa bahay nito.
Huminga na lang siya ng malalim at dinala iyon sa may laundry basket niya para na rin malabahan. Sa palagay naman niya ay hindi niya puwedeng ibigay iyon kay Paul Jake nang hindi man lang nalabahan.
Tinungo na rin niya ang banyo at naligo na rin para makapaghanda sa pagpunta sa Sweet Desire. Habang nag-aayos ng sarili ay hindi niya napigilan na tignan ang sarili. Tila may sariling buhay ang kamay niyang hinawakan ang labi niya at hinaplos iyon.
What happened last night flooded her mind in an instant.
"How can I face him now after what happened?" she asked and sighed heavily. Naisip niya rin na marahil ay galit sa kaniya ang lalaki dahil sa pagtulak nito sa kaniya. He even said he was just acting and it was all a facade.
She smiled sadly while looking at herself in the mirror.
Naagaw naman ang atensiyon niya nang tumunog ang cellphone niya at makita ang pangalan ng kaibigan doon. Sinagot na lang din niya iyon kaagad at tinapos na ang pag-aayos sa sarili.
"What time are you going here?" tanong ni Cristine. "Ikaw ang mag-bi-bake ngayon, hindi ba?" sabi nito sa kaniya na sinundan ng tawa.
"Yeah, yeah. Papunta na ako, sorry," sabi niya rito at ibinaba na rin kaagad ang tawag para lumabas na ng kuwarto niya at makaalis na.
"I have to check on Lolo before I leave," mahinang bulong niya bago naglakad na papunta sa may hagdan at mapuntahan ang matanda na sa tantiya niya ay nasa may hardin at doon namamalagi.
Sa kakamadali niya ay namali pa siya ng tapak sa isang baitang at kamuntik ng mabuwal kung hindi lang may humawak sa braso niya at hinigit siya.
"What–Paul Jake?" singhap niya nang makita ang lalaki. Seryoso ang tingin nito sa kaniya at kunot pa ang noo. Agad naman siyang binitiwan nito kaya umayos na rin siya kaagad ng tayo.
BINABASA MO ANG
His Bed Warmer Wife
RomanceMula pagkabata pa lamang ay ramdam na ni Stephanie ang galit sa kanya ni Paul Jake, galit na hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling. Hindi nagkulang si Paul Jake sa pagpaparamdam sa kanya na hindi siya kailanman matatanggap nito bilang parte ng...