Third Person's POV
" kakausapin ko sana siya kaso wala akong tapang kahit man lang kaibiganin ko siya. Siguro wala akong pagasa, paano naman siya magkakagusto sakin, normal lang ako. Hindi ako maingay, di rin tahimik. Hindi ako athletic, hindi rin ako nerd. Hindi ako mayaman, hindi rin ako mahirap. Isa lang akong normal na babae kaya milagro nalang kung magugustuhan niya ako.
masayang mukha ang palagi niyang pinapakita sa lahat, di niya pinapakita na malungkot o mahina siya, yan ang isa sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Mayaman siya pero hindi siya spoiled, Matalino pero hindi mukhang nerd, Athletic pero hindi mayabang, talented hindi rin naman arogante. Basta parang dream boy ng bawat babae. Sayang nga lang at parang malayo ako sakanya, parang yung invisible lang ako sakanya."
"chelsea andyan na sundo mo!" sigaw ng manong guard mula sa guard house. Nagayos si chelsea ng kanyang gamit at tumayo na sa bench papunta sa parking lot. Ngunit dahil sa madaming dala-dala si chelsea na aklat ay may nahulog siya at sa kasamaang palad diary pa niya ang nahulog. Kung minamalas ka nga naman...
"sige bro, sa Monday ulit" ani ng kaibigan ni jake. Tumango nalang si jake sa kaibigan dahil sa pagod. Wala na siyang ganang magsalita, gusto na niyang mahiga sa kama at matulog. Buti nalang may driver siya kaya di na niya kailangan magaalala.
May kumuha sa atensyon ni jake sa tabi ng bench. May humila sa kanya papunta sa bagay at kunin ito kaso tamad siyang kunin, masyado na siyang pagod. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa parking lot, lumampas siya sa bagay at papalabas na sana ng gate kaso ang lakas talaga ng hila. "hayss, kukunin ko na nga"
Bumalik siya papunta sa bagay. Para na rin sa curiosity niya. Nalaman niyang diary ang hindi kilalang bagay. Pagkakuha niya ng diary tumakbo na siya pabalik ng parking lot at umuwi na.
Pagkauwi niya ay pumunta agad siya sa kwarto at humiga. Tumitig lang siya sa kisame at nagisip isip hanggang sa mapangiti siya sa naalala. Ang babaeng matagal na niyang gusto. Ang babaeng matagal na niyang pinapangarap. At sa maniwala kayo o hindi matagal na niyang kilala. Wala ng pasuspense suspense pa. sino pa ba ang babaeng tinutukoy niya. Edi si chelsea.
kilala na kasi ni jake si chelsea mula nung Engot. pa. ang nakakalungkot hindi alam ni jake kung naaalala pa ni chelsea si jake. Well, hindi masamang umasa pero masakit.
Biglang naalala ni jake yung napulot sa tabing bench sa school. Kinuha niya sa bag at nagsimulang basahin...
"nakakacurious naman kung sino nagmamayari nitong diary nato. Sino kaya tong lalaking tinutukoy niya."
Sa Villanueva Residence...
"nasan na ba yun, ang alam ko andito lang yun" hindi alam ni chelsea kung saan niya huling nilagay yung diary niya. Kaya eto naghahanap hanap siya kahit saang banda sa kwarto niya. Eh ang tanga nga eh, naiwan niya sa school tapos sa bahay hahanapin, magisip ka kaya.
"kung may nakakita nun na hindi ko kilala lagot ako nito" sumuko narin si chelsea at humiga sa kama "I'M DOOMED!" sigaw niya sa buong kwarto.
Si diary lang ang may alam na may gusto si Chelsea kay jake. Oo may kaibigan siya pero hindi close friends yung parang mga kasabay lang maglunch. Si tadhana lang ang may alam kung sinu-sino ang magkakatuluyan kaya konting tiis nalang chelsea at baka makikilala mo na ang love of your life.
At ang nakakatawa gusto din ni jake si Chelsea kaso hindi niya pinapakita. Yung naghihintayan sila. Ang pangit kaya nun
"omg, omg, omg, omg. Anong gagawin ko. Pano kapag siya mismo ang nakakita, nakakahiya. Siya pa ang unang makakaalam na gusto ko siya kaysa sa kausapin ko siya. At ang masama pa niyan baka isipin niyang stalker niya ako at baka mandiri pa siya sa kin"