Enjoy!
"Ano ba! Bitawan mo nga ako?!" Sigaw ko sakanya. Pero ayaw niya akong bitawan. Ang sakit na nga ng kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin.
"Charlene pakiusap makinig ka naman sa sasabihin ko sayo."
"Hay nako lumayo ka sakin Nathan bago kita ipakain sa crocodile." Salamat binitawan na niya kamay ko pero hindi pa rin siya sumusuko. Che! Magdusa siya, siyang may kasalanan siya din ang magbabayad.
"E wala namang crocodile dito. Pano mo ako ipapakain sa kanya." Nakangisi na siya sakin ngayon. Aba...
"At may panahon ka pang ngumisi diyan." Sinapak ko siya sa ulo gamit ang buong lakas ko. Pero wala e since maliit ako mahina ako. Hindi man lang siya umaray. Sumimangot nalang siya.
Yan si Nathan. Boyfriend ko. Nung hindi ko siya boyfriend palaging may katabing chicks yan. Pero nung kalilipat ko lang sa school nila nalove at first sight daw. Mukha niya. Isang taon niya ako niligawan at sa isang taon na iyon wala siyang ibang kasama na babae kundi ako lang. Kaya I feel proud of my self. Ang ganda ko diba.
Nung napatunayan niyang karapat dapat siya sinagot ko na siya siyempre may kasamang testing yan. Nilasing ko siya tapos ikinulong kasama yung isang pinsan kong babae. Anong nangyari? Sigaw daw ng sigaw ng pangalan ko. Edi yun.
"Sorry na kasi gusto ko lang malaman kung ano yung reaksyon mo kung nagseselos ka." Sabay hawak sa batok. Naks namumula pa. Aaminin kong cute pero since galit ako sakanya mukha siyang elephant.
"So gusto mo akong makitang nagseselos?" Tumango siya. "So kailangan mong hawakan yung baywang ng babae. At ikaw naman hinahayaan mong hawakan ng babae yung katawan mo para lang makita mo akong nagseselos?"
"Ah. Eh. Oo.."
"E Ang tanga mo. Mukha kang unggoy!" Alam kong masyadong cheap yung tinawag ko sakanya. E sa wala akong maisip! Pero atleast totoo diba!?
LQLQLQLQLQLQLQLQLQLQ
"Hay nako girl patawarin mo na kasi. Tingnan mo mukha mo sa sobrang stress mo may pimples at eyebags ka na o."
"Weh!" Tumakbo ako kaagad papuntang mirror at tinignan ang sarili ko, buti nalang meron dito sa classroom. Totoo nga. Bwisit na Nathan na yan. Hindi lang sakit sa ulo pampasira pa ng mukha!
"Charlene alam ko naman na may kasalanan siya. Pero kapag ayan nagsawa na sa kakasorry sayo maghahanap na yan ng iba."
Napatahimik ako sa sinabi ni Ani. Galit nga ako sakanya pero masyado ko siyang mahal. Ayaw ko siyang makitang may kahawak na babae.
"Malay mo... Mas sexy. Mas maganda. Mas matalino at mas sweet pa yung babae sayo." Napatingin ako sakanya ng masama.
"Tumahimik ka nga, Ani. Hindi ka nakakatulong. Subukan mo kayang maghanap ng boyfriend at tingnan kung gaano kahirap magkaroon."
"Okay tatahimik na. May PMS ka nanaman ata.." Nagtetext nalang siya ngayon. Kahit kailan hindi ko nakitang nagalit o seryoso si Ani. Kahit sakanya mo ilalabas galit mo iiyak o tatahimik lang siyang nakapout.
Lumabas na ako ng classroom at pumunta rooftop. Masarap hangin dito kaya dito ako palagi tumatambay.
Nakita ko si Nathan sa baba ng building nakikipag usap sa barkada niya. Mukhang ang seryoso ng usapan nila a. Minsan ko lang nakikitang seryoso si Nathan. Alam ko namang ang raming problema niya sa buhay. Sabi niya daw para wag daw akong magalala ngingiti nalang daw siya. Nacornihan nga ako sa sinabi niya. Hindi na namalayang ang higpit na ng pagkakahawak ko sa bag ko tsaka nagpipigil ng iyak. Mababaw lang ako, okay?! Kaya pagpasensyahan niyo na.
