Chapter Twenty-Two. (Part 1)

325 7 13
                                    

A/N : Kauna unahang POV to ni Dexty. HAHAHAHA. Please lungs basahin nyo ha? :)

Hindi ako makapili sa dalawa eh. Parehas kasing gwapo! :D

Dexter's POV..

Linggo na ang nakakalipas since nung bumalik ako dito. Bat ako bumalik? Bat masaba ba? HAHAHA. Ang dahilan kasi eh para ibalik sakin ang naudlot kong pag-ibig. Corny na kung corny. Eh sa ganto ako eh. Iniwan ko yung pinakamamahal ko dito para maging singer and actor sa ibang bansa. Ngayong okay na naman ako babalikan ko sya. Kilala nyo naman sya diba? Si Yuki ko. Oo, akin sya. BWAHAHA. Hindi ako nagpaalam sa kanya dahil ayokong makita syang umiyak or masaktan. Ganun din sa part ko. Ngayon sa pagbabalik ko. Gagawin ko lahat para bumalik sya sakin. Miss ko na sya sobra. Kahit nagtatrabaho ako tanging sya lang nasa isip, puso at kaluluwa ko. Iniwan ko sya dito 2nd yr high school sya. Malaki na sya siguro. Malamang! Hindi naman sya dwende or nuno para hindi lumaki. Bumalik ako sa dati nyang tinitirahan. Sa kasamang palad iba na daw ang nakatira dun. Halos mawalan na ko ng loob kasi hindi ko pa rin sya nakikita. Minsan lumabas ako ng gabi na. Habang nakikinig ako ng music may nakita akong studyante na babae. Hindi ko naman sya sinusundan. Tapos napansin ko lakad-takbo na ginagawa nya. Akala nya siguro rapist ako. Bigla syang pumasok sa isang mami shop. At pagkaharap sakin nung babae, hindi ako pwedeng magkamali. Si Yuki sya. Sya nga. Aw! Gusto ko syang lapitan kaso baka magulat sya. At alam kong magugulat talaga sya. Nandun lang ako sa labas hinihintay ko syang lumabas. Maya-maya lumabas na sya. At naupo sa isang upuan dun. Nakayuko sya. Umiiyak ba sya? Teka bakit? Kanina sa loob parang may tinatawagan sya. Tapos parang galit sya. Tapos ngayon umiiyak sya? Anyare? Mamaya may isang kotseng nagpark sa tapat ng mami shop. Lalaki yun. Matangkad sya maputi din. At maitsura. Hindi sana ako magugulat kung hindi nya nilapitan si Yuki. Bakit? Mag ano ba sila? Pinagmamasdan ko sila sa malayo. Biglang tumayo si Yuki at pinaghahampas sa dibdib yung lalaki? Sino ba sya? Sya ba ang bago ni Yuki? Napalitan na agad ako? Habang nakatingin parin ako sa kanila nakita ko niyakap nung guy si Yuki. Ganun din si Yuki. Yumakap din sya dito. Wow ha! Ang sakit sa mata ng nakikita ko. Tapos ilang saglit lang binuhat nung lalaki si Yuki. At san nya dadalin yun? May dala silang sasayan ako wala. So pano ko hahabulin yun? Tatakbuhin ko? Pero bat ganun yung lalaki? Sino ba sya kay Yuki?

 Nalaman ko rin sa wakas ang school na pinapasukan ni Yuki. Pinuntahan ko sya dun para makita. Ang daming stalls sa labas. Ang daming tao. Foundation Week nila ngayon kung hindi ako nagkakamali. Hinanap ko yung room ni Yuki. At sinuswerte ako. Nakita ko agad. Pumasok ako. Naka disguise look ako. Shades with matching dyaryo. Naka pang maid na uniform si Yuki. Waah. Ang ganda nya lalo. Mahaba na buhok nya. Dati eh maikli lang. Nailabas ko tuloy yung wallet ko. Kinuha ko yung picture nya at tinapat ko sa kanya. Ganun pa din sya. Cute and simple. That's my girl. Sobrang daming tao dito. Sobrang daming lalaki. Ang tingin nila sa Yuki ko ah. Nakakairita. Dudukutin ko mga mata nila at itatapon na sa ilog Pasig. Maya maya may lumapit sakin. 

" Sir ano order nyo? "

" Ah, pwede bang yung babae na yun yung kumuha nung order ko? " -Dex

" Ah okay po. Sandali lang po ha? " 

Haha. Ang sagwa naman nung ginawa ko no? Nakatingin ako sa butas ng dyaryo ko. Kinausap na nung lalaki si Yuki. Maya-maya papalapit na sya sakin. Kinakabahan ako. Kaya tinakpan ko yung mukha ko para hindi nya ko makita. 

" Sir what't your order? " -Yuki

" Angel Face Flavored Coffee please. " 

" Meron pa po ba? " -Yuki

" Wala na. Yun lang. Ah wait! And one srawberry cake. " 

" Okay sir. " -Yuki

God, sobrang awkward. Sa loob ng 3 taon ngayon ko lang sya ulit nakausap. Malumanay na boses. Namiss ko yun. Hindi naman kaya nya ko nahalata?

Maya-maya ayan na sya ulit. Dala na yung order ko. Pagkabigay nya sakin, tumalikod na agad sya. Ako naman tinanggal ko na yung dyaryo sa mukha ko at aakma kong kakainin yung cake na inorder ko ng bigla akong napatingin kay Yuki na kasalukuyang nasa culture shock. Nakita na nya ko! Para syang statwa na nakatayo sa harapan ko. Pagkatapos nun tumalikod na sya at umalis na. Ano yun? Nagulat tapos dedma? Imba! Habang kinakain ko yung order ko may guy na nasa kabila ko na kakaupo lang. Teka, parang nakita ko na to ah? Aha! Yung lalaki na yumakap sa Yuki ko! Pinagmamasdan ko sya. Naka glasses sya at nakatingin din kay Yuki. Ano ba kasi talaga meron? Bat ganun? Nagugulumihanan ako.

Nakakailang oras na din akong nakaupo dito. Nagbabakasakaling lapitan ulit ni Yuki. Maya-maya lumalapit sya ulit. Eto na. Kakausapin ko na sya.

" Ehem, sir kanina pa kayo dyan. Baka po pwedeng chumupi na kayo? " -Yuki

" Ha? Ah! Sige. " -Dex

" Thank you sir. " -Y

" Yuki, tawagan kita later okay? " -Dex

" Huh? " -Y

Nagulat naman ako sa pagpapaalis nya sakin. Hindi naman sya sumungit ng konti no? Pero atleast nasabi ko na tatawagan ko sya. Nagtataka kayo no kung san ko nakuha number nya? Well, ako pa. Nakita ko dun sa ID nya. Suot nya kasi. Eh kita number. Mabilis mata ko eh. Nakabisado ko agad. HAHAHAHA! Gagawa ako ng paraan para magkausap kami. Umalis na ko after kong kausapin sya. 4 pm na. Eto na uwian na nila. Tatawagan ko na sya. Kinuha ko yung cp ko at dinial na yung number nya.

Yuki Dialling...

" Sino to? " -Yuki

" Yuki, ako to. Si Dexter. " -Dex

" Bat ba? " -Y

" Gusto lang kita makausap. " -Dex

" Eto na nga diba kinakausap mo na ko. " -Y

" Yuki, namiss kita. " -Dex

" And then? " -Y

 " Yuki ano ba, tinawagan kita para magkaayos na tayo. " -Dex

" San mo nakuha number ko? " -Y

" Mahalaga pa ba yun? " -Dex

" Oo, para kang stalker eh! " -Y

" Handa akong maging stalker kung ikaw naman ang iistalk ko. " -Dex

" Pwede ba? " -Y

" Yan na nga yung sasabihin ko eh. Pwede bang magkita tayo? " -Dex

" Nagkita na tayo kanina ah. " -Y

" I mean, yung tayo lang. " -Dex

" Okay. Sige kelan saan where what time? What place? " -Y

" Anywhere. Kaw na magdecide kung san mo gusto. " -Dex

" Okay. Trinoma, starbucks 2pm sharp sa Saturday bye. " -Y

Hindi na ko nakapagsalita pa. Binabaan na nya ko eh. Ano ba yun? Atleast makakausap ko na sya. Saturday paghahandaan ko yun. Yuki, mapapasakin ka ulit. 

~ Kay papa Dexty tong part one. May part two sya okeh? :)

Maka Daniel ba kayo oh maka Dexter? Ako, pwede bang both? BWAHAHAH. 

I love you guys. Basa well! Vote and Like. Comment din. Mua mua chup chup! :*

- Kayefluffy-

My Stalker Fan. (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon