Chapter Nine.

210 3 0
                                    

A/N: Ayun guys, sorry late ang update ko. Nagbabasa din kase ako dito. HAHAHAHA. So eto na po yung chapter nine. Sa lahat ng tumatangkilik sa work maraming thank you po. Comment din  po guys. And vote too. :))

YUKI'S POV..

Joke lang yun sabi kong kinabukasan OKAY NA KO. Pano ba naman ako magiging okay eh yung mata ko pulang pula. Daig ko pa may sore eyes. Pano ba naman kase. Yung eksena na nakita ko kagabi nakakainis. Sobrang bobo ko no? Tanga lang ni Daniel. Andito ako kase. Kung kani kanino pa tumitingin. Eh bobo pa rin ako, kase naman binigyan bigyan ko pa sya nung 15 ways na yun. Ako rin pala magsisisi sa bandang huli. Hay bahala na nga si Batman. Lalabas na ko. Sabado ngayon. May trabaho ako sa kanya. Ayoko namang magmukang eng eng no. Kaya eto kunwari walang nangyari kagabi. At pag tinanong nya kung bat ako kumaripas ng takbo sasabihin ko natatae kase ako. Oo yun na lang.

" Good Morning Sir. " Bati ko sa kanya. Alam nyo naman baka mahalata ang bida nyo.

" Oh ikaw pala Yuki ." -D

Ay hindi hindi ako si Yuki. Anino ko lang to. Boba ba?

" Opo ako nga po. " -Y

" Penge akong kape please. " -D

" Sige po sir wait lang. " -Y

Habang pinagtitimpla ko sya ng coffee palihim na tumitingin ako sa kanya. Syet! Ang gwapo nya. Nagbabasa sya ng dyaryo at naka glasses pa sya. Jusko lord. Bat naman may magagandang nilalang dito sa mundo? Aga aga eh nabubuhay yung kilig ko sa katawan. Ang hawt nya! Daniel pede pagapang isa lang? HAHAHAHA. Hindi ko na alam iniisip ko. 15 pa lang ako pero kung ano ano na lumalabas sa bibig ko. Si Daniel naman kase eh. Why so gwapo kase? Muntik ng malusaw yung kape na hinahalo ko kase halo ako ng halo habang nakatitig kay Daniel. Kung hindi lang sya napatingin saken at sinabi na baka wala na daw syang mainom kakahalo ko. Putris! Yuki naman wag ganon! Mamaya ka na lumandi okay?

" Uy! Yuki baka naman wala na kong mainom nyan kakahalo mo? " -D

" Ah AY! " -Y

" Hahahaha, nakakatawa ka aga aga napapatawa mo ko ." -D

Kahit magdamag pa papatawanin kita. Bobo ka lang kase si Clarisse gusto mo.

" Sorry sir, pero hindi po ako joker ha? " -Y

" I know, kase yung tingin mo sakin kase. Feeling ko andami kong dumi sa mukha. " -D

" Wala po kayong dumi sir sa mukha. " -Y

" I know. " -D

"I know I know ka pa dyan. Bat alam mo ba na mahal kita? " Pabulong kong salita habang nakatalikod sa kanya.

" What Yuki? Did you say something? " -D

" Ah wala po sir. Sabi ko po ang sarap kainin nung tinapay kapag palaman Nutella. " Ano na namang kabobohan yan Yuki? 

" Yeah you're right. Fav ko Nutella kaw din? " -D

Hindi hindi ko sya gusto. Kaya nga sabi ko diba masarap kainin pag may nutella? Bobo much?

" Yeah." Tipid kong sagot. Kung pwede ko lang paganahin yung lahi kong vice ganda kanina ko pa binuhay. 

" Gising na ba si Clarisse? " -D

" Malay ko. " -Y

" What?! " -D

Nagulat sya sa sagot ko. Ako rin no nagulat. Pano ba naman kase kung makatanong eh. Magkasama ba kami ni Clarisse na yun at ako ang tinatanong nya.

" Ah sa-sabi ko po hindi ko po alam. Hindi pa sya lumalabas ng kwarto nya eh. " -Y

" Baka tulog pa sya. " -D

My Stalker Fan. (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon