Chapter Eleven.

272 2 11
                                    

DANIEL'S POV..

Sobrang inis ako ngayong araw na to. Sabi ni Yuki may dadaanan sya bago pumasok ng school. So, yun pala yung dadaanan nya? Nakita ko sya kasama nya yung lalaking may red car. Nakakainis. Tinanggihan nya ko. Yung iba ngang babae gustong gusto akong makasabay pagpasok sa school pero sya tinanggihan ako? At sino ba kase yung unggoy na lalaki na yun na sinusundo pa si Yuki sa umaga? Sila ba? Pero nung tinanong ko naman si Yuki wala naman daw sya manliligaw. Sa sobrang inis ko pumunta ako sa room ko at tinawagan  ko si Fritz.

Fritzchukoy Dialling...

" Oh? "  -F

" San ka? " -D

" Bulsa mo nagkakape. " -F

 Etong isa na to aga aga dumadagdag sa inis ko eh. 

" Wag mo kong ululin. Badtrip ako ngayong umaga. " -D

" Mamayang hapon ka na lang mabadtrip. "  -F

Pwede ba yun eh ngayon umaga nakita ko yung kinababadtripan ko.

" Bwisit ka. San ka nga? " -D

" Dito sa parking lot bat ba? "  -F

Nagtanong pa. Kakainis.

" Halika dito sa hallway malapit sa room ko. " -D

" Bakit? " -F

" Basta. Bilisan mo na lang. " -D

Bilisan mo na lang repa bago ko mabaliw dito.

" Oo eto na. " -F

" 5 mins lang ha ge. " -D

" Oy potek tek-.. "  -F

Hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya.

Andito na sya. Umupo sya sa harap ko at sinimulan ang pagtatanong.

" Oy bat ba repa? Aga aga eh pumuputok butchi mo dyan. " -F

" Badtrip. Tinanggihan ako eh. " -D

Tinanggihan ako ni Yuki sa oofer ko na sabayan nya ko. Kainis.

" Ng babae? "  -F

" Oo. " -D

" Ano ba inoffer mo?"  -F

" Sabayan nya ko pagpasok. "  -D

Eh gusto ko lang naman sya isabay eh. 

" Yun lang naghihimutok ka na dyan."  -F

" Hindi yun pre eh. Sabi nya may dadaanan daw syang something bago pumasok. " -D

Tao dinaanan nya. Putris.

" Tapos? " -F

" Habang papasok ako nakita ko sya sa may kalsada. May kausap na lalaki. " -D

Yung lalaking yon. Sino ba kase sya?

" Selos ka? " -F

" Hindi."  -D

Hindi naman talaga. Naiinis lang ako.

" Sus kunware ka pa eh. " -F

My Stalker Fan. (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon