Chapter Thirty-One.

388 10 15
                                    

A/N: Aww. Super duper late update. Sareeh. Update ako dito and dun sa isa kong story. :))))

 Smiling Daniel over there. >>>> :P

YUKI'S POV.

Tapos na yung foundation week namin. At alam nyo ba? Kami nanalo! Kami ang may pinaka maraming costumers ng buong linggo. 2nd yung class nila Daniel. Magkakalaban kasi ang High School at College. And natalo namin ang mga college. HAHAHAHA. Dinonate namin yung pera naming napalanunan sa magaganap na beauty contest. Next month pa naman yun. Tsaka okay lang naman din sa mga classmates ko yun. Yun kasi yung napagsunduan naming lahat. Natapos ang New Year at Christmas ko ng masaya. Pinaka masayang New Year and Christmas ko yun. Dahil kasama ko yung mga mahahalagang tao sa buhay ko. Ngayon busy naman ako sa pagrerecord at pagpapractice ng new song na sinulat ni Dex. Laging gabi ang uwi ko. Pero kahit ganun nagagawa ko parin yung trabaho ko kay Daniel. Maaga akong gumising para makapaglinis ng buong mansyon. Mamayang tanghali kasi sasamahan ko si Laika sa Mall. Mamimili kasi sya ng mga kachurvahan nya sa katawan. Nandito ako sa sala at kasalukuyan akong nagwawalis ng biglang kinausap ako ni Daniel.

" Good Morning. " -Daniel

" Good Morning din. " -Yuki

" Nagbreakfast ka na? " -D

" Hindi pa. Ikaw? Gusto mo ipaghanda kita ng almusal? " -Y

" Ah wag na. Hindi pa naman ako gutom. Make me some coffee na lang. " -D

" Si-sige. " -Y

Nagpunta naman ako sa kusina para ipagtimpla sya ng kape. Medyo naiilang talaga ako sa kanya eh. Onga pala. Hindi nya alam yung about sa pagkanta ko. Ayoko lang malaman nya. Pagkatapos kong magtimpla agad ko yung dinala sa kanya. 

" Eto na oh. Dahan dahan lang sa pag higop mainit pa eh. " -Y

" Ah sige salamat. " -D

" Sige. " -Y

At nagpatuloy na ko sa ginagawa ko. Lihim akong sumusulyap sa gawi nya. Ngayon, nakikinig sya ng music sa ipod nya. Nung matagal ko syang natititigan bigla syang napatingin sakin. Agad ko namang binaling yung tingin ko sa ginagawa ko. Aissh! Kakahiya ka talaga Yuki. Tsss.

" Bat pala ang mong nagising? " -D

" Ah, kasi may lakad ako mamaya eh. " -Y

" San naman? " -D

" Sa mall. Sasamahan ko si Laika sa pamimili. " -Y

" Ako din pupunta mamaya sa mall eh. " -D

" Mamimili ka din? " -Y

" Nope. " -D

" Eh anong gagawin mo dun? " - Y

" Remember? Yung 15 ways na binigay mo sakin? " -D

" Ah yun ba? Oo. Anong connect nun sa pagpunta mo sa mall? " -Y

" Gagawin ko na yung unang hakbang later eh. Actually nahanda ko na yung Century Tuna. Sinunod ko lang lahat ng sinulat mo. I found it funny pero unique sya. " -D

" Ah. Oo naman ako gumawa nun eh talagang unique yun. " -Y

" Thanks for that Yuki. " -D

" Welcome. " -Y

Agad akong tumalikod. Ayokong makita nya yung timpla ng mukha ko nun. Nakalimutan ko na nga yung katangahan kong yun eh. Yung ways na yun. Tss. Pinaalala pa nya. Hindi ko alam na gagawin nya talaga yun. Yah, corny sya pero unique sya. Kahit ako, kikiligin ako kapag ginawa sakin ng isang guy yun. Lumingon ako sa gawi nya at nakita kong lihim syang napapangiti. Shocks. Bat naman kasi ngayon pa nya tinapat yun? Eh baka makita ko sila. Umalis na ko sa sala at baka maiyak pa ko ng konti. Ouch kaya. Kasi naman eh. Mahal ko nga diba? T.T

My Stalker Fan. (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon