Chapter 1: Suicide?

10 0 2
                                    

Muntanga ako ngayon habang nagre-recess kami ng mga kaibigan ko.Kasi naman eh! Break na kami nung boypren ko! Huhu I hate him!


"Hoy gaga! Okay ka lang? Huwag ka ngang ganyan para ka nang mamaw niyan eh!" sabi ni Mitchie aba?! Ampucha niya ah! Ang ganda ko kaya para maging mamaw! Err...


"Ulol! Hindi ako mamaw! Dyosa ako! DYOSA!" totoo naman eh...ang ganda ko kaya :P


"Lumalaki yata ulo mo ah! Porket dyosa ang tawag sayo ni Trevor kinareer mo na! Ambisyosa to!" sabi naman ni Lara...lakas ng trip nila ah at ako pa talaga napagtripan! Arghh! Oo tatlo lang kaming magkaibigan...ang malas ko nu?




Hindi ko na lang sila pinansin sabagay di naman nila alam kung gano kasakit maiwan eh.Haaaaaay! Eto na naman ako sa pag-iinarte ko :(



"Alis muna ako" paalam ko sa kanila saka tumayo na.Teka? Saan ba ko pupunta? Ang haggard ko na talaga! Nagsimula lang to ng iwan ako ni Trevor my King eh huhu.Babalik pa kaya siya? Tsk! Kainis naii-stress ang aking bangs ng dahil sa pag-iisip kay King eh >_<



Dire-diretso lang ako hanggang sa mapadpad ako sa harap ng rooftop door.Errr...yung pinto papuntang rooftop ba. Pinihit ko ang doorknob saka pumasok.



Agad na dumampi ang malamig na hangin sa aking balat.Emeged! Baka magka-rushes ako nito eh! Kadiri pa naman yun! Ewww...



Biglang nagflashback lahat ng memories namin dito sa mismong rooftop na ito.Naiiyak na talaga ako...pwede bang pigilan? Ang sakit na kasi eh...yung mag-isa ka na lang na lumalaban kahit malabo ng maayos ang lahat.Kasi sira na </3



Lumapit ako sa harang habang umiiyak,pinagmamasdan ko lang ang buong paligid ng University na to.Dito kami unang nagkakilala eh.Makakaya ko pa kaya? Ng walang Trevor sa buhay ko? Arghh Im so pathetic! Bakit ko pa siya iiyakan?! Eh diba iniwan niya lang ako? Ngayon naman galit na ko! Galit na ko sa kanya!



"Sht miss! Kung ano man yang binabalak mo huwag mo ng ituloy! Maawa ka sa sarili mo!" damn it! Sino ba ang tangang biglang pumasok dito?!



Lumingon ako sa isang lalaki tsaka tiningnan siya ng masama! Kalerkey lang ah! Ano akala niya sakin? Magsusuicide?! Abnoy pala to eh!




"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan ha?! Ulol kaba? Di ako tatalon dito noh!" sigaw ko sa kanya sabay cross arms pa.BADTRIP kasi to! Ang ganda ko pa masyado para mamatay ng ganito kaaga!




Mukha ba kong magsusuicide?!! Loko to ah! Pinainit niya ang ulo ko! Arghh! Muli ko siyang tiningnan ng masama.Omaygash! Nakamove-on na yata ako? Errr...erase! ERASE! Mahal ko pa rin naman yung Trevor na yun kahit pinagpalit niya ko!

A Little Bit Of Perfect TimingWhere stories live. Discover now