Chapter 1.Operation,Rescuing the Victims

23 1 1
                                    

"dug- dug,dug-dug,dug-dug". Tunog ng puso ng mga taong dahang dahang gumagapang sa damuhan papunta sa isang abandunadong lugar kung saan doon itinago ang anak ng senador na kinidnap ng mga taong halang ang mga bituka at halang ang mga kaluluwa. Bakit halang ang mga bituka ? simple lang, halang ang mga bituka nila dahil ang mga taong yan ay kumakain ng tao. Sila yong tinatawag na" cannibal ". Nangigidnap ng mga tao,bata,dalaga kahit na may edad basta sa paningin nila ay masarap kainin. Sila yong mga taong sumasamba sa isang rebulto na may sungay,yong rebulto na kambing ang mukha pero ang katawan niya ay tao,yon ngalang may sungay siya. Yan ang itsura ng mga sinasamba ng mga taong kulto. Ang mga taong yan, naniniwala na pag-kumain sila ng tao ay magiging malakas sila at magiging immortal,isang tao na walang kamatayan. 

Mukha nila!tignan ko lang kung hindi  sila mamatay ngayong gabi nato!

"Phantom is now in possession" Sabi  ko sa  radyo,andito ako ngayon sa may bandang itaas ng puno,dito ako naka posisyon. Ang abandonadong building ay may  dalawang palapag, mga bintana nito basag na ang mga salamin, yong iba naman may nakatabing na tagpi-tagping kahoy. Sa unang palapag, lahat ng salamin basag, bali may dalawang salamin sa ibaba, nakikita ko yon sa baba. sa pangalawang palapag naman ,may dalawang bintana din,yon nga may mga nakatabing na mga kahoy , ginawang rehas , para kung  sino man ang nasa loob hindi makakatakas. Siguro doon kinulong yong bata, nilagyan ng mga kahoy ang bintana para hindi makatakas. Ang lugar na kinatitirikan ng abandonadong building ay kakahuyan,hindi mo mapapansin agad ang building dahil sa mga naglalakihang  kahoy, masukal na lugar at wala ka talagang makikitang bahay man lang sa malapit. Barangay Masukal ang tawag sa lugar. Tama nga naman ang pangalan dahil masukal talaga ang lugar, kahit sisigaw ka , mapapaos ka nalang wala pa rin makakarinig sayo.

Labing- lima kami lahat,pang-lima ako , kasama ko ang mga pulis,Special Task Force. Andito kamo to rescue a 12 year old boy who happen to be the son of one of the senator's here in Philippines. That boy was kidnapped yesterday at 12nn. Paglabas ng school bigla nalang hinablot ng isang lalaki  at isinakay agad sa itim na van. Hindi na nakapalag ang guard ng school sa bilis ng mga pangyayari. Ang sundo naman ng bata ng mga oras na yon ay kinuha pa ang sasakyan na naka park sa parking lot ng school. Kaya walang kahirap-hirap na hinablot nalang basta ang bata.

( Flash Back the day the boy was kidnapped )

Scrub,scrub,scrub,(tunog yan ng lampaso),naglalampaso ako ng biglang

where is the map

where is the map

where is the map

( ringtone ng cp ko, alam niyo yong kanta ni dora na where is the map,yan yon,imaginin niyo nalang ang song)

i slide my finger to answer the phone call" hello" sagot ko sa cellphone ko habang naglalampaso pa din ako.

"Office 10 minutes"after that the call is ended.

Dali- dali kung dinampot ang lampaso, nilagay ko sa  cabinet namin na lagayan ng  mga walis,dustpan,lampaso, mga  basahan. Sabay takbo  sa hagdan papuntang kwarto ko. Nakatira ako sa bahay ng tita ko. Ang bahay niya ay may dalawang palapag, kalahati seminto ang kalahati naman ay puro kahoy na. Sa unang palapag ang makikita mo pagpasok mo palang ng bahay ay sala ,lakad ka lang ng unti kusina na tapos hagdan.Sa may baba ng hagdan ay nag-iisa naming cr, katabi ng cr yong cabinet na nilagyan ko ng lampaso ,sa taas naman puro na kwarto,,apat ang kwarto sa  itaas.Pag-akyat mo sa hagdan mabubungaran mo agad ang unang pinto, yon ang kwarto ko,kung nakaharap ka sa pinto ko,sa bandang kanan may dalawang pinto. Ang unang pinto kwarto ng pinsan ko na si algene, sa pangalawa naman na pinto yon na ang kawrto ni tita Anna at Tito David. Sa bandang kaliwa ko naman Guest room. Tapos sa harap ng mga kwarto ay sliding door kung saan paglabas mo makikita mo ang terrace. Sa pagpasok mo palang mapapansin mo na agad ang mga bulaklak na nakalatag sa ibaba ng  barandilya, iba't- ibang klase ng mga bulaklak, sa gawing kanan kung nakaharap ka sa labas ay may isang duyan, Alam niyo yong duyan na gawa na,yong may parang may poste bawat gilid pero kahoy lahat siya, at ang duyan ay parang purmang upuan na may sandalan pero pwede din siyang higaan. Kung hihiga ka i-angat mo lang ng kunti ang upuan para hindi ka mahulog kung  magswing- swing ka,pwede mo kasi siyang pihitin sa gilid,  tapos e-lock mo ng maayos para hindi bumalik sa dati. Sa bandang kaliwa naman ay may isang bilog na mesa ,hindi naman siya gaanong malaki sakto lang sa apat na ka-tao,at may apat na upuan na nakapalibot nito,mga single chair. Ginawa yon para pag-feel mong mag-emote, mag-pahangin,mag-isip ng mga bagay-bagay, hindi  muna kailangan pang lumayo. Punta ka lang sa terrace at viola! andyan na agad ang hinahanap mong katahimikan. Sa terrace makikita mo ang view ng mga iba't - ibang desenyo ng mga bahay . Hindi naman masyadong  magulo ang lugar namin, minsan lang, sa gabi may nagruronda na mga tanod. Hindi naman kami sa subdivision nakatira, parang  semi-sub. lang ,destansiya ng kunti ang mga bahay , at kahit papano may makikita ka pa din mga puno sa tabi ng daan.

That Girl, AlexaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon