Alexa's Pov
Pagkatapos kung kumain,umakyat agad ako sa kwarto ko,binuksan ko ang cabinet ko at pumili ng damit na susuotin ko paputang school.Pupunta kasi ako ng school ngayon para asikasuhin ko na ang mga kailangan asikasuhin para sa pagtransfer ko ng school.
Ang napili kung suotin ay isang white t-shirt na V-nick ,black rip jeans at black vans na sapatos, then brassier at under wear.After kung makapili ng susuotin,nagtungo agad ako sa cr para maligo na. After ko maligo at nakabihis na din,lumabas ako ng kwarto at bumaba agad ng hagdan. Pagkababa ko nakita ko sila tito at tita na nag-uusap.
"Tito,Tita...alis po muna ako,punta lang po ako ng school para maasikaso ko na po ang pagtransfer ko."sabi ko kina tita at tito sabay mano sa kanila.Pag-umalis kasi ako ng bahay ay nagmamano talaga ako sa kanila at syempre pagdating din,nakagawian na kasi namin yan,hindi lang kami nagmamano pagdating sa bahay,nagmamano din kami pag-umalis kami ng bahay."At tsaka nga po pala tita,tito,huwag niyo na pong tawagan si lola para sabihing pupunta ako doon para doon na mag-aral,e-su-surprise ko po kasi si lola ehhh....hehehehe"pahabol ko ding sabi sa kanilang dalawa.
"Ikaw talagang bata ka!O siya,mag-ingat ka sa lakad mo Alexa. "sagot naman ni tita sa akin na may ngiti sa labi,,samantalang si tito naman nakangiti lang din nakatingin sa akin habang nakaakbay kay tita,magkatabi lang kasi sila sa upuan." Iha anong oras ka pala makauwi"pahabol na tanong ni tita sa akin.
"Tignan ko lang po tita,kung pwede kasing makuha ko na ang kailangang papeles para sa pagtransfer kukuhanin ko na po para isahang lakad nalang po. Para din po makapag-ayos na din ako ng mga gamit ko na dadalhin tita."sabi ko kay tita at tito habang nakatingin ako sa kanila isa-isa.
"Ok iha, ingat ka"sabi naman ni tito sa akin.
"I will tito,nga pala tito hindi ka po ba papasok ngayon?"tanong ko kay tito habang nakatayo pa din sa harapan nila simula ng bumaba ako sa hanggdan.
"Maya-maya na iha,masyado pang maaga it's just 7:00 am in the morning, 8:00 am pa ang oras sa trabaho."sagot naman ni tito sa akin.
"Ganun po ba!?sige po tita tito alis na po ako."sabi ko sa kanilang dalawa at umalis na ako. pagkalabas ko sa gate nag-abang agad ako ng tricycle papalabas ng lugar namin. Kailangan mopa kasing sumakay ng tricycle palabasng lugar namin,medyo distansiya din kasi ang main road sa bahay namin.Nga pala....nagtaka ba kayo kung bakit nagcommute lang ako?will guys hindi ko ginagamit ang baby ko pag wala sa mission. Ginagamit ko lang yon sa mission. Poorita ang peg ko pagnasa karaniwang araw lang.
Maya-maya nakarating na ako sa main road,nagbayad ako sa driver at bumaba na agad. Pagkababa ko pumunta ako sa waiting area para mag-antay muna ng jeep. Napansin kong may anim na katao ang nakaupo sa waiting area. Apat na babae at dalawang lalaki bali pang-pito ako.So it means limang babae na kami. Mahaba naman ang upuan sa waiting area kaya kasyang-kasya pa din kaming pito sa pag-upo.
Hindi naman nagtagal dumating naman agad ang jeep na walang masyadong laman kaya no worries kung magkasya ba kami o hindi. Kabait naman ng mga lalaki dahil pinauna kaming mga babae na makapasok. Kahit papana pala sa panahon natin ngayon may natitira pang mga gentle dog ay este gentle man pala, ahmmmm bukod sa gentle man yong dalawang lalaki na nakasabayan ko bunos na din ang pagiging may itsura nila pero sad nga lang pansin kung may mga wedding ring na sila. Hindi na pala available. Yong apat na babae naman,yong tatlo ganun din may mga asawa na samantalang yong isa estudyante din tulad ko kasi napansin kong bit-bit niya ang isang visible na envelop na may lamang mga requirements sa pagpapa-enrol.
Hindi ko lang alam kung saang school siya magpapa-enrol kasi hindi lang naman iisang school of college ang meron dito.
"Manong para po!!!"sigaw kong sabi kay manong,hindi ko kasi namalayang andito na pala ako sa school sa kakamasid ko sa mga kasbayan ko kanina. Bago ako bumaba nagbayad muna ako kay manong bago bumaba. Napansin ko ding bumaba din yong estudyante na kasabayan kong sumakay kanina. Nauna akong bumaba,sunod siya.
BINABASA MO ANG
That Girl, Alexa
AcciónProtecting ,rescuing and arresting a highly dangerous criminals is what i do . Risking my life to save people is my duty , i started when i'm such a young age. After rescuing the senator's son who has been kidnapped, i ask my boss to take some rest...